Kasalang Heart-Dennis tuloy na tuloy na | Bandera

Kasalang Heart-Dennis tuloy na tuloy na

Ervin Santiago |June 01,2016
facebook
share this

Kasalang Heart-Dennis tuloy na tuloy na

Ervin Santiago - June 01, 2016 - 12:35 AM

dennis trillo at heart evangelista

NARITO ang mga susunod na eksena sa riot at nakakalokang GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Pinakaba lang ni Juan (Dennis) ang lahat dahil makakarating naman siya bago magsimula ang kasal. Actually si Juan ang kinakabahan. He even asked advice from Kyle kung paano ito mawawala. Pero nu’ng nagsimula na ang kasal, at nakita ni Juan si Happy (Heart), walking down the aisle, beautiful in her wedding gown, napawi ang pag-aalinlangan ni Juan.

Magsisimula na ang seremonyas ng kasal. Sa isip ni Juan isa itong hatol sa pagtatapos ng kanyang buhay bilang isang lalaki. Muling kakabahan si Juan. Kakabahan din ang lahat nab aka at the last minute ay magback out pa ang groom.

Hindi makakayanan ni Juan ang matinding kaba! Biglang mahihilo hanggang sa bigla na lang siyang mag-collapse. Mapapatili si Happy. Magkakagulo ang lahat sa loob ng simbahan. Muntik pang mapurnada ang perfect wedding ni Happy matapos mahimatay si Juan sa gitna ng simbahan. Sa paggising ng groom ay natuloy din ang kasalan. Tuluyan na ngang iniwan ni Juan ang kanyang pagkabinata. Tatanggapin na niyang si Happy na lang ang babae sa kanyang buhay.

Iyak naman ng iyak si Isay (Lotlot de Leon) ngayong bubukod na sa kanila si Happy. Takot si Isay sa bagong buhay ng kanyang anak kasama ng kaniyang istriktang biyenan na si Mameng! Magkakaparinigan na naman sina Isay at Mameng sa nalalapit na pagtira ni Happy sa mga Delacosta!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending