Manananggal bidang-bida sa Poor Señorita nina Regine at Mikael | Bandera

Manananggal bidang-bida sa Poor Señorita nina Regine at Mikael

Ervin Santiago |May 31,2016
facebook
share this

Manananggal bidang-bida sa Poor Señorita nina Regine at Mikael

Ervin Santiago - May 31, 2016 - 12:35 AM

regine velasquez at mikael daez

SA mga adik naman sa GMA Telebabad series na Poor Señorita nina Regine Velasquez at Mikael Daez, narito ang kailangan n’yong tutukan tonight: Takot na takot sina Charisse (Caprice Cayetano) at Apol (Miggs Cuaderno) nang may marinig silang malakas na sound sa kanilang bubong. Ayon kay Apol baka ito raw ‘yung gumagalang manananggal sa kanila.

Bigla rin nilang naisip na baka mabiktima ng aswang sina Girlie and Rambo (Zymic Jaranilla) dahil lumabas nga ang mga ito para dalawin si Angie. Sabi pa ni Apol baka raw kinain na ng manananggal ang kanilang mga kaibigan. Mabilis naman silang dumampot ng mga pamalo nang biglang bumukas ang pinto ng bahay. Pero ma nagulat sila nang malamang si Kyla (Ayra Mariano) lang pala yun.

Magdedesiyon naman si Apol na tulungan sina Rambo at Girlie kaya agad itong pupunta sa bahay nina Angie. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, nakauwi na pala ang dalawa. Pagbalik niya ng bahay, sinabi niya sa iba pang mga bata na totoong si Angie nga ang mananaggal. Dahil dito, mananaginip siya na kinakain na raw siya ng aswang.

Samantala, papasukin nina Paeng (Mikael Daez) at Maika (Sheena Halili) ang opisina ni Deborah (Snooky Serna) ngunit bigla silang mahuhuli nina Deborah at Piper (Valeen Montenegro). Magpapalusot si Paeng at maniniwala naman ang dalaga, pero duda pa rin si Deborah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending