Ano ang paborito mong ulam? | Bandera

Ano ang paborito mong ulam?

|May 30,2016
facebook
share this

Ano ang paborito mong ulam?

- May 30, 2016 - 07:18 PM

monggo
Simple at madaling lutuin ang mga paborito naming putahe. Kapag din hindi namin mabanggit o ma-spell ang pangalan ng ulam, malamang kesa sa hindi ay tatanggihan ng panlasa namin ang mga ito. Gusto rin namin ang mga pagkain na tambalan gaya ng tapsilog at pares.
Kaya nga sa mga panahong nag-uulan gaya nga-yon, swak na swak sa amin ang ginisang munggo na may sotanghon. Napaparami talaga ang kain namin. Samahan mo pa ng graham balls bilang panghimagas at siesta pagkatapos. Sarap, di ba?

GINISANG MUNGGO
NA MAY SOTANGHON
Sangkap
1 katamtamang laki ng balot na sotanghon
1 tasa ng munggo
7 tasa ng tubig
Asin
Pamintang durog
1 kutsara ng patis
1 kutsara ng mantika
1 sibuyas, hiniwa
1 kamatis, hiniwa
3 butil ng bawang, di-nurog
1/4 kilo ng hipon, binalatan at hiniwa
1 tasa ng dahon ng ampalaya
Paggawa
Ibabad sa tubig ang sotanghon hanggang lumambot. Patiktikan at itabi.
Sa kasirola, ibuhos ang munggo, tubig at asin at pakuluan.
Kapag malambot na ang munggo ay hinaan ang apoy.
Sa isa pang kasirola, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis
Idagdag ang patis saka ilagay ang hipon.
Ibuhos ang munggo at sabaw.
Kapag kumulo, idagdag ang sotanghon hanggang maluto.
Asinan at lagyan ng paminta ayon sa panlasa.
Patayin ang apoy at ilagay sa ibabaw ang dahon ng ampalaya.
Ihanda.

GRAHAM BALLS
Sangkap:
8 1/2 tasa ng dinurog na graham cracker
1 lata ng gatas kondensada
1 maliit na lata ng cream
Paggawa:
Sa mangkok, ibuhos ang 8 tasa ng graham cracker at iba pang mga sangkap.
Haluing mabuti.
Kumuha ng isang kutsara ng mixture saka bilu-gin sa pamamagitan ng dalawang palad.
Pagulungin sa natirang graham cracker hanggang mabalutan nang buo.
Ipatong sa bandehado ang mga nagawang bola saka palamigin sa refrigerator.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending