Aktor tamad kaya hiniwalayan daw ng asawang female star | Bandera

Aktor tamad kaya hiniwalayan daw ng asawang female star

Cristy Fermin |May 31,2016
facebook
share this

Aktor tamad kaya hiniwalayan daw ng asawang female star

Cristy Fermin - May 31, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM MALE2 0316

PINASINUNGALINGAN ng kampo ng isang male personality ang umiikot na kuwento na kaya sila naghiwalay ng kanyang misis ay dahil sa kanyang katamaran. Hindi raw totoo ‘yun.

Maganda raw ang kanilang pagsasama, pinagkakaisa raw sila ng pagmamahalan at respeto, kaya paano sila magkakahiwalay? Gawa-gawa lang daw ang kuwento, mga istoryang walang basehan, biktima lang kuno ng personal na intriga ang mag-asawa dahil maganda nga ang kanilang pagsasama.

Kuwento ng isang source na nakakasama ng male personality, “Nakakagulat naman kasi ang mga kuwento na super-tamad daw siya, kaya nanghinawa na ang misis niya sa kanya. Masyado raw mabigat ang katawan niya, palaging ang wife lang niya ang nagpapakapagod sa pagtatrabaho.

“Hindi naman totoo ‘yun, may mga projects din naman siya, nagkataon lang na mas visible ang wife niya. Hindi rin totoo na para pakinabangan naman siya, e, siya na lang ang nag-aalaga ng anak nila.

“Ano ba naman ‘yan? May tagapag-alaga naman ang anak nila, may yaya, kaya sobrang pangmamaliit naman kay ____ (pangalan ng male personality) ang mga kuwentong naglalabasan ngayon.
“Walang ganu’n, hindi totoo ‘yun,” madiin pang paliwanag ng source na malapit sa lalaking personalidad.

May mga naiinggit lang daw sa magandang pagsasama ng mag-asawa, dahil nu’ng una pa lang ay marami nang nagsasabing hindi sila magtatagal, pero hanggang ngayon ay maayos pa rin ang kanilang pagsasama.

“Magkasama pa rin sila, maayos na maayos ang relasyon nila. Talaga lang may mga lumalason sa isip ng marami na tapos na ang kuwento ng relasyon nila,” pagtatapos ng aming source.
Gets mo na, Bradly Guevarra, kung sinu-sino ang mga personalidad na starring sa kuwentong ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending