Badjao girl nagmukhang-artista sa unang pictorial; binigyan ng college scholarship | Bandera

Badjao girl nagmukhang-artista sa unang pictorial; binigyan ng college scholarship

Ervin Santiago |May 30,2016
facebook
share this

Badjao girl nagmukhang-artista sa unang pictorial; binigyan ng college scholarship

Ervin Santiago - May 30, 2016 - 05:09 PM

badjao
GANDANG-GANDA rin kami kay internet sensation “Badjao Girl” nang makita namin ang mga picture niya sa social media na galing sa Rated K ni Korina Sanchez.
Si Badjao Girl, Rita Gabiola sa tunay na buhay ay biglang-sikat din dahil sa viral photos niya na kuha habang siya’y namamalimos karga ang kanyang nakababatang kapatid.
Marami ang nagsabi na maganda ang mukha ni Rita at kung maaayusan lang ito ay pwedeng-pwedeng maging model o artista. Sa katunayan, mas sumikat pa si Badjao Girl nang i-repost ng anak ni Rodrigo Duterte na si Baste ang mga picture ng bagets at sinabing ito raw ang tipo niyang babae.
Ang photographer na si Topher Burgos ang kumuha ng mga picture ni Rita na kuha raw nu’ng Piesta ng Pahiyas sa Lucban, Quezon. Agad daw niyang in-upload sa kanyang Facebook account ang mga larawan at nagulat na lang daw siya na nag-viral na ang mga ito.
Sa panayam ng Rated K, nabatid na tubong-Zambonga ang pamilya ni Rita at sabi ng kanyang inang si Marita, lumuwas sila ng Maynila dahil napakahirap ng buhay nila sa probinsya.
Hindi nga raw alam ni Rita na sikat na sikat na siya. Nabibigla na lang siya kapag may lumalapit sa kanya at nagpapa-picture.
Naiyak pa raw ang dalaga ng maalala niya ‘yung araw na kinunan siya sa Piyesta ng Pahiyas dahil inakala raw nila na huhulihin sila dahil nga sa kanilang paghingi ng limos sa kalye.
Grade 6 na sa pasukan si Rita at umaasa siya na maipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Aniya, namamalimos raw siya dahil bakasyon, gagamitin niya raw ito sa kanyang pag-aaral.
Sa tulong naman ng Rated K, nangako ang local government ng Lucban na bibigyan ng trabaho ang mga magulang ni Rita. Binigyan rin ang dalaga ng college scholarship courtesy of Rated K.
Nais din daw ni Rita na maging teacher dahil, “Gusto ko pong matulungan yung mga bata, isa na rin po dun yung mga magulang ko, hindi po nakapag-aral. At tsaka po ang mga Tita ko.”
Hindi na napigilan ng dalaga ang mapaiyak dahil sa swerteng dumating sa buhay niya dahil sa kanyang viral photos. Kaya ang promise ni Rita sa Rated K at sa lahat ng sumusuporta sa kanya, “Gagawin ko po ang lahat para sa mga magulang ko.”
Samantala, sa mga kumalat na litrato ni Rita, maraming netizens naman ang nagsabi na may pagkakahawig sila ng dating PBB housemate na si Ylona Garcia, may anggulo rin daw itong kamukha ni Bianca Gonzalez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending