Kailan magkaka-baby? (2) | Bandera

Kailan magkaka-baby? (2)

Joseph Greenfield |May 30,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-baby? (2)

Joseph Greenfield - May 30, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Elsie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
1. Maglilimang taon na kaming nagsasama ng mister ko ang malungkot nito until now wala pa rin ka-ming baby. Itatanong ko lang po kung magkakababy na ba kami ngayong taong ito ng 2016?
2. Gusto ko rin pong malaman kung babae ba o lalaki ang unang magiging baby namin? July 8, 1980 ang birthday ko at December 25, 1980 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Elsie Lagao, Gen  San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Capricorn naman si mister ay nagsasabing tugma at compatible kayong mag-asawa, at dahil tugma at compatible naman kayo, umasa kang sa malapit na hinaharap, makakabuo din kayo ng baby na magdadala ng panibagong galak at sigla sa inyong pamilya.

Numerology:
Ang birth date mong 8 ay strong number habang ang birth date na 25 ng iyong mister ay isang weak number, kung saan walang duda makakabuo na ng baby sa iyong sinapupunan sa taong 2017, upang pagsapit ng taong 2018, isang malusog na lalaking saanggol ang isisilang.

Graphology/Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang tinurang pag-aanalisa sa itaas lagi kang gumamit ng kulay na pula, sa inyong silid, habang lagi mong ahinan ng mga prutas na maraming buto ang inyong lamesa o ang inyong hapag-kainan. Sa ganyang paraan sigurado na ang magaganap – magkakababy na kayo.
Huling payo at paalala:
Elsie ayon sa iyong kapalaran matatapos na rin ang nakakainip na paghihintay, dahil sa taong 2017 tulad ng nasabi na, sa edad mong 37 pataas, isang lalaking supling ang mabubuo sa iyong sinapupunan, upang pagsapit ng taong 2018 sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero, isang malusog na lalaking sanggol ang kukumpleto ng inyong pagmamahalan u-pang minsan pa ang nasabing pamilya ay pang habang buhay ng magiging maligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending