Veteran actress tinraydor ng kaibigang famale star, walang utang na loob | Bandera

Veteran actress tinraydor ng kaibigang famale star, walang utang na loob

Cristy Fermin |May 30,2016
facebook
share this

Veteran actress tinraydor ng kaibigang famale star, walang utang na loob

Cristy Fermin - May 30, 2016 - 12:15 AM

 

BLIND ITEM FEMALE 0316

BITBIT pa rin pala hanggang ngayon ng isang kilalang may edad nang babaeng pigura sa showbiz ang malaki niyang tampo sa isang aktres. Kapag naaalala niya ang maganda nilang pinagsamahan ay napapailing na lang ang may edad nang babae dahil sa kanyang pakiramdam ay i-pinagkanulo siya ng aktres.

Malalim ang pinagsamahan ng aktres at ng may edad nang babae, matindi ang kanilang pinagsamahan, alam na alam ng veteran personality ang lahat-lahat tungkol sa aktres. Kuwento ng kaibigan ng may edad nang babae, “Siya kasi ang takbuhan nu’n ni ____ (pangalan ng aktres) kapag may problema siya. Ang madalas niyang problema, e, pera. Palaging ganu’n, tinutulungan niya ang girl.

“Hanggang sa one day, nakilala ni aktres ang isang sikat na male personality. Through the ve-teran personality ‘yun. Nagkaigihan sila, naging magkarelasyon, pero tagung-tago nga lang dahil pamilyado na ‘yung sikat na male personality.

“Hindi makaalis nu’n ang girl nang hindi niya kasama ang kanyang mommy. ‘Yun na ang tawag niya sa veteran personality, matunog na mommy, dahil takbuhan nga niya ‘yung tao kapag nangangailangan siya ng datung!

“Sa ibang bansa sila nagkikita ng male personality, kailangang hindi dito, dahil siguradong sisingaw ang kuwento tungkol sa relasyon nila. At sino ang kasama-sama niya sa ibang bansa? Ang kanyang mommy!” kuwento ng aming source.

Nakinabang nang husto ang aktres sa relasyon nila ng sikat na male personality. Hindi na ito namroblema sa pera, nabayaran nito ang kanyang mga pagkakautang, may mga naipundar pa itong negosyo at properties dahil sa madatung na lala-king personalidad.

Pagtatapos ng aming impormante, “Pero ano ang ginawa niya nu’ng tapos na ang pakinabang niya sa ve-teran personality? Basta inetsapuwera na lang, kinalaban pa nga niya, walang utang na loob ang babaeng ‘yun!

“Para siyang nakahukay ng mina ng ginto sa friendship nila ng may edad nang babae, pero ginanu’n pa niya! Bradly Guevarra, tampalin mo nga ang babaeng ‘yan!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending