Pelikula nina Jinggoy at Maja ipalalabas na; Wagi ang mga hugot lines | Bandera

Pelikula nina Jinggoy at Maja ipalalabas na; Wagi ang mga hugot lines

Ervin Santiago |May 30,2016
facebook
share this

Pelikula nina Jinggoy at Maja ipalalabas na; Wagi ang mga hugot lines

Ervin Santiago - May 30, 2016 - 12:20 AM

maja salvador jinggoy at bayani

NAPANOOD namin ang kabuuan ng pelikulang “Ang Tatay Kong Sexy” sa ginanap na celebrity screening nito sa Gateway Cineplex na pinagbibidahan nina Jinggoy Estrada, Bayani Agbayani, Maja Salvador at Empress Schuck.

Ayon kay Bayani na present sa ginanap na advanced screening ng pelikula last Friday, very thankful sila na finally ay maipapalabas na ang “Tatay Kong Sexy” sa mga sinehan kahit nga nakapiit pa rin sa Camp Crame si Sen. Jinggoy kasama ang kaibigan nitong si Sen. Bong Revilla.

Matagal na raw nilang na-tapos ang nasabing movie at umaasa sila na susuportahan pa rin ito ng madlang pipol kahit na nasa Crame pa rin si Jinggoy. Aniya, matapos niyang mapanood ang pelikula, naniniwala siya na meron silang magandang proyekto na kapupulutan ng maraming aral ng mga manonood.

Na totoo naman dahil talagang pampamilya ang kuwento ng “Tatay Kong Sexy” na tumatalakay sa buhay ng isang pamilya kung saan mag-isang itinaguyod ng karakter ni Jinggoy ang kanyang mga anak at kung paano niya hinarap ang mga pagsubok ng pagpapalaki ng tatlong anak lalo na sa panganay niyang anak na babae na ginampanan ni Empress.

In fairness, nakakatuwa at nakakatawa ang movie na idinirek ni Jose Javier Reyes showing on June 1, lalo na ang mga eksena nina Jinggoy at Maja na parehong magaling sa kanilang mga eksena bilang mag-BFF.

Tawa kami nang tawa sa batuhan nila ng punchlines, feeling nga namin matagal na silang close at gamay na gamay na nila ang isa’t isa. Sabi nga ng ilang nakasama namin sa ginanap na celebrity screening, nagulat din sila sa magandang rapport at chemistry nina Sen. Jinggoy at Maja on screen.

Pwedeng-pwedeng makipagkabugan si Maja kay Jennylyn Mercado sa pagiging rom-com queen. Sabi nga namin, ganitong uri ng mga proyekto sana ang ibigay kay Maja para mas ma-appreciate siya ng manonood. Given na kasi ang galing niya sa pagdadrama.

Nakakaiyak naman ang ilang eksena nina Jinggoy at Empress na gumaganap namang mag-ama sa kuwento, lalo na yung ipinagtapat na ng aktres sa kanyang ama na buntis siya. Magaling si Empress doon dahil may pinaghuhugutan nga siya. Alam naman ng lahat na nabuntis din nang wala sa oras ang aktres.

Kuwento naman ni Bayani nang makapanayam ng ilang members ng press after the screening, mahigit tatlong taon na ang nakararaan mula noong gawin nila ang pelikula. Nagulat nga siya noong sabihin sa kanila na ipalalabas na ito.

“Pero natuwa ako ngayon, dahil nga sa nangyayari. Eto nga, nandito ako, parang talagang peak ang career ko,” natatawang chika ni Bayani na gumaganap na sidekick ni Jinggoy sa movie.
Hirit pa ng comedian, “Tumawag si Kuya Jinggoy sa akin kahapon. Sabi niya, ‘Puntahan mo naman yung press preview.’ Sabi ko, ‘E ikaw, anong oras ka darating?’ Sabi niya, ‘Sira ulo ka!’

Natanong din si Bayani kung ano ang feeling niya na hindi nila makakasama sa promo ng movie si Sen. Jinggoy, “Siyempre malungkot, pero at least, yung pangarap niya na nagawa niyang pelikula, kasi sabi nga niya, kung tatagal pa nang tatagal ‘to, maluluma nang maluluma. So, sana naman maipalabas na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi talaga namang maganda yung pelikula, e. Masaya, masaya. Kasi nung ginagawa namin yan, tawanan sila nang tawanan dun sa set. Tsaka base sa reaksiyon ng mga nanood sa advanced screening, tingin ko natawa naman sila,” sey pa ng komedyante.

Kasama rin sa “Tatay Kong Sexy” sina Jolo Estrada, Dominic Roque at Empress Schuck at ipalalabas na nga nationwide simula sa June 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending