AlDub fans bitin na bitin kina Maine at Alden | Bandera

AlDub fans bitin na bitin kina Maine at Alden

Djan Magbanua |May 29,2016
facebook
share this

AlDub fans bitin na bitin kina Maine at Alden

Djan Magbanua - May 29, 2016 - 02:42 PM

SOBRANG miss na ng mga dabarkads talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza. Panay kasi ang tweet nila at sinasabing hinahanap hanap na nila ang dalawa. Meron pa ngang isang fan na inisa-isa ang mga first ng AlDub sa twitter. Pero kahit wala pa rin ang dalawa ay patuloy pa rin ang support ng mga netizens at fans nila sa pagtutok sa Eat Bulaga at sa Kalyeserye. Sa ngayon ay umaabot sa 636K tweets ang #ALDUBSepAnx Samantala, ipinakita naman ang adventures nila Alden at Maine sa Italy sa pamamagitan ng isang short video presentation. Sa naturang video ay mapapanood ang dalawa na sweet na sweet at mukhang enjoy ang paglalamiyerda sa Italy. Pinakilala din ang kasama nilang Pinoy and Italian na kasama sa pag gawa ng kanilang pelikula. Na meet pa nila ang mayor ng Coma, Italy at one point. Nakaabang ang lahat sa pagbabalik ng dalawa pero hindi sila sabay dahil mauuna si Alden dahil may mga natitira pang commitment sa Pilipinas habang si Maine naman ay nagpaalam kay Lola Nidora na may dadaanan muna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending