Zsa Zsa ayaw nang paloko, dedma sa muling panliligaw ni Conrad | Bandera

Zsa Zsa ayaw nang paloko, dedma sa muling panliligaw ni Conrad

Ambet Nabus |May 29,2016
facebook
share this

Zsa Zsa ayaw nang paloko, dedma sa muling panliligaw ni Conrad

Ambet Nabus - May 29, 2016 - 12:45 AM

zsa zsa padilla

MAS madalas at mahaba-haba na ngayon ang exposure ni Zsa Zsa Padilla sa The Story Of Us.

Hindi pa rin kumukupas ang husay nito sa pag-arte at napakaganda pa rin nitong tingnan on screen. Although malamlam naman talaga ang mga mata ng Divine Diva, pero kitang-kita sa kanyang aura ang kalungkutan.

Ang huli nating nabalitaan ay patuloy pa rin daw sa pag-effort ang naka-hiwalayan niyang partner na si Conrad Onglao para magkabalikan sila at ituloy ang plano nilang pagpapakasal. Ang tsismis pa ay muling nanliligaw sa aktres ang arkitekto na balitang may kayabangan at “feelingero”.

Hmmmm, we only wish Ms. Zsa Zsa her much deserved happiness. Sa mahabang panahon kasi na naranasan niya ang magbuhay-reyna sa piling ni Tito Dolphy na sobrang marespeto at maalaga, mukhang hindi nga ganu’n kadali para sa isang tulad niya ang makatagpo ng isang lalaking hihigit o makakatapat man lang sa pagmamahal at pag-aalaga ng Comedy King.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending