Billy pinagtripan nina Piolo at Vice sa Showtime; Napikon kaya gumanti | Bandera

Billy pinagtripan nina Piolo at Vice sa Showtime; Napikon kaya gumanti

Ambet Nabus |May 29,2016
facebook
share this

Billy pinagtripan nina Piolo at Vice sa Showtime; Napikon kaya gumanti

Ambet Nabus - May 29, 2016 - 12:30 AM

billy crawford

RAMDAM naming pikon pa rin si Billy Crawford kapag naaasar ito patungkol sa kanyang lovelife.
Noon kasing alaskahin kasi siya nina Piolo Pascual at Vice Ganda sa “Trabahula” portion ng It’s Showtime kung saan may mga kalahok na may apelyidong “Colin” at may name na “Nikki”, kitang-kita namin ang biglang pagbabago ng kanyang reaksiyon.

Noong malaman nitong Colin ang apleyido ng isang contestant, sinabi nitong labs na labs niya at komportable siyang kilalanin ang girl.

Pero nang ulit-ulitin ni Papa P (guest that time para sa promo ng Love Me Tomorrow) ang pagtatanong sa contestant na Nikki ang name, mabilis itong umalis at lumipat kay Colin sabay banta kay Vice na ibubuking nito ang “player” na umano’y nanakit ng puso nito.

Gumanti rin ito kay Piolo at nag-dialogue ng, “Cassandra ba ang name nung isang kalahok?” na obviously ay patama naman sa ex-ni Papa P na si KC Concepcion.

Kaswal lang ang naging reaksiyon nina Piolo at Vice sa pang-aasar ni Billy, pero kitang-kita namin ang pagkapikon ng dyowa ni Coleen Garcia nu’ng mga oras na ‘yun. At hindi ‘yun kayang itago ni Billy dahil kahit ang pagtawa niya ay hilaw na hilaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending