Jaclyn Jose hinamon ni Jessica Soho sa acting challenge | Bandera

Jaclyn Jose hinamon ni Jessica Soho sa acting challenge

Ervin Santiago |May 29,2016
facebook
share this

Jaclyn Jose hinamon ni Jessica Soho sa acting challenge

Ervin Santiago - May 29, 2016 - 12:35 AM

jessica soho at jaclyn jose

MATAPOS siyang tanghalin bilang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival sa France, makikipag-kuwentuhan si Kapuso actress Jaclyn Jose kay Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matagal nang markado ang pangalang Jaclyn Jose bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa Pilipinas. Pero ang galing niya sa acting, kinikilala na rin ngayon ng buong mundo matapos niyang manalo sa prestihiyosong Cannes Film Festival.

Tinalo lang naman niya ang mga Oscar Best Actress awardees na sina Charlize Theron at Marion Cotillard. Ilalahad ni Jaclyn ang kanyang karanasan sa Cannes. Abangan din kung paanong hinamon ng KMJS ang Best Actress sa isang kakaibang acting challenge.

Samantala, naging viral sa internet ngayong linggo ang video ng magkakapatid na kumakanta ng Bee Gees hit na “Too Much Heaven”. At mistulang bahagi talaga ng kanilang repertoire ang mga klasikong kanta. Sila rin pala kasi ang mga magkakapatid mula sa Tacloban na nabiktima noon ng bagyong Yolanda na sumikat dahil kaboses nila ang The Beatles.

Sa bayan ng Quezon sa Bukidnon, hindi na lang daw pang-biyahe ang kanilang habal-habal. Ginagawa na rin kasi nila itong pangkarera. Extra challenge pa ito dahil ang kanilang motor, hindi lang tinambakan ng mga sako ng bigas, may angkas-angkas din silang mga lalaking nakasuot ng evening gown.
Abangan ito at ang iba pang kuwento ngayong Linggo sa KMJS, after Ismol Family sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending