750 Pinoy magwawagi sa Kapuso Milyonaryo 2016 | Bandera

750 Pinoy magwawagi sa Kapuso Milyonaryo 2016

Ervin Santiago |May 29,2016
facebook
share this

750 Pinoy magwawagi sa Kapuso Milyonaryo 2016

Ervin Santiago - May 29, 2016 - 12:45 AM

kapuso milyonaryo

MGA bigating papremyo ang naghihintay sa mahigit 750 Kapuso viewers mula sa mas pinalaking Kapuso Milyonaryo 2016.

Sa ikalimang taon nito, patuloy pa rin sa paghahatid ng suwerte ang KM lalo pa’t pinakamaraming bilang ng magwawagi ang tatanghalin sa kasalukuyang season. Tumatagingting na P1 million cash ang naghihintay sa 13 Kapuso viewers, at may isang winner din ng house and lot, isang winner ng bagong kotse, at limang mananalo ng bagong scooter.

Magkakaroon din ng pitong weekly winner ng P7,000 cash, dalawang surprise winner ng P1 million, at tig-iisang winner ng P500,000, P300,000, at P150,000. Samantala, may tatlong daily winner naman ng P1,000 at siyam na daily winner ng home appliances. Lahat ng premyo ay tax-free.

Para sumali, maglagay lamang ng proof-of-purchase mula sa kahit anong participating brand at isama ang kompletong contact detail sa isang puting sobre. Maaaring ihulog ang mga entry sa mga drop box sa mga participating Mercury Drugstore outlets at sa lahat ng GMA stations nationwide mula Mayo 22 hanggang Hulyo 16, 2016.

Maaari ring subukan ang iyong swerte kahit saan, kahit kailan sa mas pinagandang Kapuso Milyonaryo mobile app para maging isa sa limang daily winner ng cell phone load at may tsansa pang manalo ng mas malalaking premyo sa pagpapadala ng proof-of-purchase entries kasama ng kanilang mobile promo code. Maaari n’yong i-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices simula Hunyo 14.

Tumutok lang sa mga programa ng GMA mula umaga hanggang gabi para malaman ang mga participating products na maaari n’yong gamitin sa pagsali sa taunang Kapuso Milyonaryo dahil baka ito na ang tamang panahon para kayo’y suwertihin at magbuhay-milyonaryo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending