Calvin Abueva payag sa libreng TF para kina Liza at Nadine | Bandera

Calvin Abueva payag sa libreng TF para kina Liza at Nadine

Ambet Nabus |May 28,2016
facebook
share this

Calvin Abueva payag sa libreng TF para kina Liza at Nadine

Ambet Nabus - May 28, 2016 - 12:25 AM

calvin abueva

“BITTERSWEET” ngang matatawag ang tagumpay ni Calvin Abueva bilang Best Player of the Conference sa katatapos na PBA season.

Hindi kasi nasungkit ng koponan niyang Alaska ang championship title na nakuha ng Rain or Shine Elasto Painters. Pero masaya pa rin ang BPC awardee dahil kahit ang mga showbiz friends niya ay nagpahayag na marami pa namang pagkakataon ang basketeer to prove his worth.

Ilan na nga rito ang fans ng seryeng On The Wings of Love kung saan minsan siyang lumabas at nakipagbasketbolan. Wish pa rin daw ng mga JaDine fans na mapanood nila ito. Wish din ni Calvin na makaeksena ang crush niyang si Liza Soberano na madalas daw niyang panoorin at kakiligan sa primetime series na Dolce Amore.

“Why not, kahit libre, ” sagot nito sa tanong kung willing siyang magpakitang-gilas sa basketball kapag kailangan sa eksena ng soap ni Liza. Basta raw para kina Liza at Nadine Lustre ay handa siyang umapir sa TV. Ha-hahaha!

Busy ngayon si Calvin sa muling pag-eensayo dahil sure na siyang makaka-join sa Gilas squad to battle it out against France and other world heavyweights come this June. Ito nga yung FIBA qualifying tourney para sa parating na Rio Olympics.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending