Jaclyn single pa rin: Feeling ko ang ganda ko naman! | Bandera

Jaclyn single pa rin: Feeling ko ang ganda ko naman!

Ambet Nabus |May 28,2016
facebook
share this

Jaclyn single pa rin: Feeling ko ang ganda ko naman!

Ambet Nabus - May 28, 2016 - 12:30 AM

jaclyn jose

MASAYA ngayon ang bakuran ng GMA 7 dahil dalawang mga resident artists nila ang nakapag-uwi ng international acting honors sa magkaibang film festival.

Bonggang-bongga nga si Jaclyn Jose na aminadong nasa high heavens pa rin until now dahil sa Best Actress trophy na nakuha niya sa 2016 Cannes Film Festival for the movie “Ma’ Rosa.” Then there’s Sid Lucero, na nanalo namang Best Actor mula sa 19th Los Angeles Comedy Film Festival para sa pelikulang “Toto”.

Magkatrabaho sina Jaclyn at Sid sa afternoon series ng GMA na The Millionaire’s Wife at very proud nga ang mga co-stars nila sa serye sa naiuwi nilang karangalan at inspirasyon sa industriya ng showbiz.
Wala namang duda talaga sa mga kakayahan nila as an artists. Sadya ring hindi nila maitatanggi ang isang common factor sa kanilang pagitan – pareho silang may kuneksyon sa yumaong award-winning actor ding si Mark Gil.

Si Jaclyn ay minsang naging asawa ni Mark at naging anak nga nila si Andi Eigenmann at nagkasama din sila sa napakaraming award-winning movies.
Si Sid naman ay anak ni Mark sa amiga-kababayan naming si Bing Pimentel na isa ring award-winning actress.

Kaya nga siya naging si Sid Lucero dahil sa pamosong karakter na ginampanan noon ni Mark sa “Batch 81” movie kung saan nagka-kilala nga sila ni Bing at kung saan din siya pinarangalang Best Actor. In fact, nakasali rin sa iba’t ibang film festivals abroad ang nasabing pelikula. Kung minsan talaga, nakakaloka ang ikot ng mundo. Ha-hahaha! Here’s congratulating them both once again!

Anyway, sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Jaclyn na feel na feel niya ang mainit na pag-welcome sa kanya ng mga Pinoy. Kahit daw saan siya pumunta ngayon ay binabati siya at nagpapa-picture pa. Kahit nga raw sa trapik ay may nagko-congratulate sa kanya.

“Kanina sa car nag roll down ako ng window at nag roll down din ng window yung family, parang mas marami ako nakikita na congratulations congratulations. Naramdaman ko talaga ang kasama natin sila kasama ang lahat ng Pilipino sa journey,” ani Jaclyn.

Nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife, single pa rin daw siya, “Hindi ko nga alam, e, ang ganda ko naman di ba? Ha-hahaha! Baka ang katabaan ko, feeling ko ang ganda ko naman may humor naman ako!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending