Gloc-9 balak nang tumigil sa pagra-rap...pero may 1 hiling | Bandera

Gloc-9 balak nang tumigil sa pagra-rap…pero may 1 hiling

Ervin Santiago |May 28,2016
facebook
share this

Gloc-9 balak nang tumigil sa pagra-rap…pero may 1 hiling

Ervin Santiago - May 28, 2016 - 12:20 AM

gloc 9

HANDA nang mag-retire sa showbiz ang music icon and award-winning rapper na si Gloc-9. Mahigit 20 taon nang nagpe-perform ang magaling na singer at marami na rin siyang napatunayan sa larangan ng musika.

Alam n’yo ba na mahigit 40 awards na ang nakuha ni Gloc-9 mula sa iba’t ibang award-giving bodies dahil sa kanyang mga makabuluhan at tumatagops sa pusong mga awitin, kabilang na riyan ang Awit Awards, MYX Music Awards and PMPC Star Awards for Music.

“Ang lagi kong sinasabi noon ay pwede na akong mag-stop ngayon,” ayon kay Gloc-9 sa panayam ng press during the launching of his new album “Sukli”.

Dugtong pa nito, “God has given me a lot already, wala na akong maire-reklamo. Kapag binalikan ko ang lahat ng dinasal ko nung ako ay nagsisimula pa lang, hindi man Niya ito sinagot sa oras na gusto ko, pero definitely sa tamang oras, lahat ‘yon ay sinagot.”

Pero hirit ng singer-rapper, bago raw niya lisanin ang in dustriya, nais niyang makagawa ng isa pang kanta na magsisilbing legacy ng isang Gloc-9.

“Yun lang ang hiling ko palagi, na makatisod ng isang song, na maisulat ko na matatandaan ng maraming tao. Sana kapag dumating na ‘yung panahon na kailangan ko ng ibaba ang mikropono ay pwede ko nang ikuwento naman ‘yung kwento ko talaga, para marinig ng mga gusto din na sumunod.”
At kapag nagawa na raw niya ang nasabing piyesa, bibigyan niya ito ng titulo na “My story.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending