Kris naghahanda na sa pagbaba ni Noynoy sa Malacañang; Babalik na rin agad sa ABS-CBN | Bandera

Kris naghahanda na sa pagbaba ni Noynoy sa Malacañang; Babalik na rin agad sa ABS-CBN

Cristy Fermin |May 28,2016
facebook
share this

Kris naghahanda na sa pagbaba ni Noynoy sa Malacañang; Babalik na rin agad sa ABS-CBN

Cristy Fermin - May 28, 2016 - 12:30 AM

kris bimby at josh aquino

MAIINIS na naman ang mga bashers ni Kris Aquino kapag nagkataon. Kapag nakarating sa kanila ang kuwento na babalik din agad sa bansa ang aktres-TV host para plantsahin na ang mga bagong shows na gagawin niya sa ABS-CBN ay siguradong magwawarla na naman ang mga nakabantay sa buhay ni Kris para siya birahin-upakan sa social media.

Masarap daw kasing gawing panghimagas si Kris sa mga umpukan, mabenta siyang produkto sa social media, isang pagpapatunay lang na sa ayaw at sa gusto ng kanyang mga bashers ay nasa gitna pa rin ng aksiyon ang TV host.

Ang umiikot na balita ngayon sa bakuran ng Dos ay babalik na sa dati niyang oras si Kris, nasanay na raw kasi ang ating mga kababayan na sa umaga siya pinanonood, siya ang hinahanap ng manonood kahit pa may bago nang show na ipinalit sa kanyang time slot.

Ibig sabihi’y hindi makukumpleto ni Kris at ng kanyang mga anak ang dalawang buwang bakasyon, mabibitin sina Josh at Bimby, dahil kailangan nang makipagmiting si Kris sa network.

Isang bagong kapaligiran na ang naghihintay kay Kris ngayong malapit nang bumaba sa posisyon ang kuya niyang pangulo. Kahit idenay pa ni Kris ay malaki ang karagdagang ambag sa kanyang career ang pagiging presidential sister niya. Sikat siya, magaling sa kanyang linya, pero ibang-iba pa rin ang dating ng titulong ikinakambal sa pangalan niya.

Pero tanggap naman ni Kris na may simula at wakas ang pagiging pangulo, lalo na ang pagiging kapatid niya sa tagapamuno ng ating bayan, pinaghahandaan na ni Kris Aquino ang senaryong haharapin niya sa pagbaba sa puwesto ni P-Noy.
Na dapat lang naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending