Matt, Joseph mag-aaway dahil lang sa babae | Bandera

Matt, Joseph mag-aaway dahil lang sa babae

Ervin Santiago |May 28,2016
facebook
share this

Matt, Joseph mag-aaway dahil lang sa babae

Ervin Santiago - May 28, 2016 - 12:35 AM

matt evans at joseph marco

PAGDATING sa pag-ibig, mas matimbang ba ang pangakong binitiwan ng magkadugo sa isa’t isa o ang babaeng itinitibok ng puso?

Tunghayan ngayong Sabado ang kuwento ng magkapatid na sina Samson (Matt Evans) at Jeremiah (Joseph Marco) na nagkasira sa kanilang kasunduan dahil umibig sila sa iisang babae sa longest drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Bagama’t magkaiba ang kanilang pagkatao, malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Samson at Jeremiah. Sa kanilang paglaki, mas naging kapansin-pansin ang kanilang pagkakaiba sa pagiging tahimik at mahiyain ni Jeremiah kumpara naman sa kumpiyansa na mayroon ang kanyang kuya.

At sa pagpasok nila sa kolehiyo, nagkaroon ng kasunduan ang magkapatid na hindi nila dapat pakialaman ang buhay pag-ibig ng isa’t isa at lalong hindi nila dapat ibigan ang iisang babae. Ngunit nagbago ang lahat sa pagdating ni Fe (Ria Atayde), ang babaeng nagpatibok sa puso nilang dalawa.

Si Fe kaya ang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng samahan ng magkapatid? Mayroon kayang magparaya sa dalawa o ipaglalaban nila ang kanilang mga nararamdaman?

Kasama rin sa episode na ito ng MMK sina Maureen Mauricio, Allan Paule, Daria Ramirez, Denise Joaquin, Tanya Gomez, Marco Pingol at Josh Ford, sa direksyon ni Elfren Vibar at sa panulat ni Nikki Banquin. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending