Angelica Panganiban binastos ng fan ni Daniel matapos makipag-selfie sa Bora | Bandera

Angelica Panganiban binastos ng fan ni Daniel matapos makipag-selfie sa Bora

Alex Brosas |May 27,2016
facebook
share this

Angelica Panganiban binastos ng fan ni Daniel matapos makipag-selfie sa Bora

Alex Brosas - May 27, 2016 - 05:36 PM
angelica panganiban NAKATIKIM si Angelica ng pagtataray ng isang fan ni Daniel Padilla na nakipag-selfie sa kanya sa Boracay. Chika ng nagmamagandang fan ni Daniel, pinagtiyagaan lang daw niya ang pakikipag-selfie sa aktres. Sa post niya ng picture niya with Angelica ay ito ang caption ng mahaderang fan: “And because Daniel said, NO KATHNIEL FANS AND SELFIES ALLOWED. I guess Ill be stuck with this girl (maldita). Lol like hello? I’m not a Kathniel fan, DJ. I AM JUST ‘YOUR’ FAN. Yours only!! Tapos iprepresent  nila si Apl de up, helloo? Anong paki ko dyan? Ang sabi ko DJ.DJ.DJ  PADILLA!!!!!!!” Sumagot naman si Angelica and said, “Ay…Sorry ate ha? Pinagtyagaan mo ko. Sige. Ganito na lang from now on D na ko papayag magpapicture kahit kanino.” “Mabuti nga dito sa Pinas pwede kayo magpapaicture sa artista. Kahit private time namin, kalers. “Payong kaibigan…kapag nag hi at ngumiti sayo ang idol mo be thankful dahil thankful din kami sa simpleng pagbati nyo. #WagAbusado,” dagdag pa ng aktres. Kinuyog ng lait ang female fan na walang modo. Sey ng isa, “Oo nga naman Angge. Nakakapikon din naman ung fan ni DJ. Nakapagpapic na nga lang, dami pang hanash!” “Hindi po talaga fan yan ni DJ nagpapanggap lang. Wala naman maniniwala sa kanya. Famewhore lang si ateng. Nagexplain na din tita ni dj k angel. Saka si angel close din sya sa family ni DJ.” “Kasi naman nagpapicture pa hindi naman pala fan. Buti sana kung oras mo lang ang inaksaya mo. Pati oras ng artista inaksaya mo rin.” Merong isang tila nag-imbestiga sa babaeng papampam and said, “Just to be fair, I went to the FB page of xhainelle and based of her posts talagang fanatic siya in the truest sense of the word, bordering na nga on obsession. Pumunta pa talaga ng boracay para lang magpa selfie with Daniel.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending