Cleveland Cavaliers nahablot ang 3-2 series lead sa East Finals | Bandera

Cleveland Cavaliers nahablot ang 3-2 series lead sa East Finals

, |May 27,2016
facebook
share this

Cleveland Cavaliers nahablot ang 3-2 series lead sa East Finals

- , May 27, 2016 - 01:00 AM

CLEVELAND — Umiskor si Kevin Love ng 25 puntos habang sina LeBron James at Kyrie Irving ay nag-ambag ng tig-23 puntos para sa Cleveland Cavaliers na dinurog ang Toronto Raptors, 116-78, sa Game Five ng Eastern Conference finals kahapon.

Nagbalik sa kanilang home court matapos makatikim ng magkasunod na pagkatalo sa Toronto, nagtatag ang Cavs ng 34-puntos na kalamangan sa first half at hindi na nagpabaya tungo sa paghablot ng 3-2 series lead.

Maaari naman nilang masungkit ang ikalawang sunod na conference title at makabalik sa NBA Finals kung mananalo sila sa Game 6 bukas sa Toronto.

Si James ay nagtala rin ng walong assists at anim na rebounds sa 31 minutong paglalaro bago tuluyang ipinahinga sa huling bahagi ng ikatlong yugto kung saan nakalamang ng 37 puntos ang Cavs, na ang mga reserves ang tumapos ng laro sa ikaapat na yugto.

Sina Irving, James at Love ay tinalo sa puntusan ang Raptors, 43-34, sa first half. Ang Cleveland ay nagwagi sa kanilang tatlong laro sa serye ng pinagsamang 88 puntos.

Si DeMar DeRozan ay gumawa ng 14 puntos habang si Kyle Lowry ay nagdagdag ng 13 puntos para sa Raptors.

Si Bismack Biyombo ay nakakuha lamang ng apat na rebounds matapos makalikom ng 40 boards sa nakalipas na dalawang laro.

Nagbalik naman para sa Toronto ang sentro nitong si Jonas Valanciunas, na hindi nakapaglaro ng walong diretsong laro bunga ng sprained right ankle, at nagtala siya ng siyam na puntos sa 18 minutong paglalaro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending