KC maligaya na sa kandungan ni Aly Borromeo | Bandera

KC maligaya na sa kandungan ni Aly Borromeo

Ervin Santiago |May 27,2016
facebook
share this

KC maligaya na sa kandungan ni Aly Borromeo

Ervin Santiago - May 27, 2016 - 01:05 AM

KC CONCEPCION AT ALY BORROMEO

KC CONCEPCION AT ALY BORROMEO

KAHIT hindi aminin ni KC Concepcion, kitang-kita na ang katotohanan na may relasyon na sila ng football player na si Aly Borromeo.

Sa latest Instagram post kasi ng TV host-actress ay makikita na mahigpit silang maghawak-kamay ng Azkals player, na parang gusto nilang ipagsigawan sa mundo na wala nang makapaghihiwalay sa kanila.

Mas lalo pang kinilig ang mga followers ni KC nang magbigay ito ng sweet message para kay Aly bago pa ang laban ng Azkals against Malaysia’s Johor Darul Ta’zi.

Sey ni KC, “35,000 people. Tons of pressure. Two teams. One big heart for football. Let’s go, Captain!!! KayaFC #Philippines vs. Johor Darul Ta’zim #Malaysia #AFCCup2016 #Football!”

Hindi nanalo ang KAYA FC laban sa team ng Malaysia, pero bumuhos pa rin ang suporta ng mga fans ni KC para kay Aly. Botong-boto ang mga ito sa football player para sa dalagang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Wala pang diretsong inaamin si KC kung boyfriend na niya si Aly, pero ayon nga sa kasabihan, action speaks louder than words. At kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa huling panayam namin kay Sharon, todo papuri rin ito sa bagong boyfriend ng kanyang anak, sabi nga niya, kung ipinanganak nga lang daw si Aly noong kabataan niya, tiyak na ito ang pipiliin niyang maging dyowa. Ipinakilala ni KC si Aly sa kanyang pamilya at mga kaibigan noong 20th anniversary celebration nina Mega at Sen. Kiko Pangilinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending