Gwapong aktor mas masahol pa sa D.O.M. kung manligaw, sexy star ayaw tantanan | Bandera

Gwapong aktor mas masahol pa sa D.O.M. kung manligaw, sexy star ayaw tantanan

Ambet Nabus |May 27,2016
facebook
share this

Gwapong aktor mas masahol pa sa D.O.M. kung manligaw, sexy star ayaw tantanan

Ambet Nabus - May 27, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM MF 0527AYAW pa ring tantanan ni hunk actor ang isang sexy actress kahit ilang beses na siya nitong binasted.

Ang latest kapatid na Ervin, nasa ibang bansa ngayon ang hunk actor para sa isang shoot ng serye with his co-stars.

Dahil malamig sa naturang lugar, inimbitahan nito ang nililigawang sexy actress na wala namang ginagawang project sa ngayon to visit him.

Bukod sa ipinangako nitong libreng plane ticket at hotel accommodation na may plus one pang kasama (basta dapat babae rin), nag-emote din si hunk actor ng pang-shopping allowance ni sexy actress.

Talbog talaga ang mga DOM sa style ni hunk actor.

Ang siste, kinol daw ni sexy actress ang invitation dahil “friendly visit” lang naman daw ito. In fact, proud pa nga nitong ipinost sa kanyang social media account ang mga kailangang dokumento na pinaasikaso ni hunk actor sa mga friends niyang may travel agency.

Ang “big & nagging” (clue na iyan ha) question nga lang sa ngayon kapatid na Ervin at mga Ka-BANDERA ay ganu’n na ba ka-generous at ka-well off ang hunk actor para mag-sponsor ng bonggang out of the country trip?

Or sanay lang daw talaga ito sa mga dati niyang nakukuha from his sponsors, matrons and patrons alike! Awww!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending