Melai bigla na lang nag-iiyak, Jason hinamon ng hiwalayan | Bandera

Melai bigla na lang nag-iiyak, Jason hinamon ng hiwalayan

Reggee Bonoan |May 27,2016
facebook
share this

Melai bigla na lang nag-iiyak, Jason hinamon ng hiwalayan

Reggee Bonoan - May 27, 2016 - 12:15 AM

JASON FRANCISCO AT MELAI CANTIVEROS

JASON FRANCISCO AT MELAI CANTIVEROS

“HIWALAY na sina Melai (Cantiveros) at Jason Francisco!” Ito ang naichika sa amin kahapon ng isang taga-production mula sa programang Magandang Buhay.

Bigla na lang daw kasing nag-iiyak si Melai off-cam bagay na ikinabigla ng lahat na kasama niya sa nasabing morning show. Pagkatapos daw ng live episode ng programa ay nagkulong sa dressing room si Melai at hindi na nagsasalita.

At dahil kumalat nga ang tsikang hiwalay na ang dalawa ay inabangan naman ng ilang TV reporters si Jason sa It’s Showtime kahapon para hingan ng reaksyon tungkol sa isyu nila ni Melai.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakuhang detalye tungkol sa isyu.

Samantala, ang bulong naman sa amin ng isang source, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa lumaki ang kanilang away at nagkahamunan ng hiwalayan. Sabi pa sa amin, nagsimula ang lahat dahil daw sa kawalan ng oras ng mag-asawa para sa isa’t isa.

Parehong busy sina Melai at Jason ngayon, dalawa ang regular show ng TV host-comedienne, ang Magandang Buhay kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal at ang seryeng We Will Survive kasama naman si Pokwang. Regular naman si Jason sa Super Dad nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

Sana’y magkaayos agad ang dalawa dahil kawawa naman ang kanilang anak kung tuluyan silang maghihiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending