Gerald, Rayver, Sam tropa ng mga walang dyowa | Bandera

Gerald, Rayver, Sam tropa ng mga walang dyowa

Julie Bonifacio |May 27,2016
facebook
share this

Gerald, Rayver, Sam tropa ng mga walang dyowa

Julie Bonifacio - May 27, 2016 - 12:05 AM

RAYVER CRUZ, GERALD ANDERSON AT SAM MILBY

RAYVER CRUZ, GERALD ANDERSON AT SAM MILBY

ALL-OUT support ang ibinigay kay Rayver Cruz ng mga co-producers and co-Star Magic artists na sina Gerald Anderson and Sam Milby sa kauna-unahan niyang album na may titulong “What You Want.”

Present din sina Gerald at Sam sa launch ng album ni Rayver na ginanap sa Urbn Bar sa Timog, Quezon City last Friday.

Kapansin-pansin naman na bukod sa magkakaibigan at producers ng album, there’s still one thing in common among Rayver, Gerald and Sam – at ‘yun ay ang pagiging single nila ngayon.

“Samahan ng walang girlfriend? Ha-hahaha! Siguro magkakaroon lang ako ng girlfriend kapag nagka-GF ka na,” biro ni Rayver kay Gerald.

Pagkatapos ay si Sam naman ang binalingan ni Rayver at tinanong kung may girlfriend na ito? Hirit naman ni Gerald kay Sam, “Mukhang blooming si Sam, e.”

Sagot ni Sam, “Hindi, sobrang happy ako para kay Rayver. Masaya ako ngayon sa album launch niya.”
Going back to the album, masaya naman si Gerald sa kinalabasan ng album ni Rayver which is incidentally sa ilalim ng pinagsanib ba pwersa ng Cornerstone Music and Star Music. Tingin ni Gerald good investment daw ang pagpo-produce niya ng album ni Rayver.

“Sana nagalingan kayo kay Rayver. And I’m sure magagalingan din ang buong Pilipinas kapag bumili sila ng album ni Rayver, talagang masusulit ang pera nila. Sobra!” pagpuri pa ni Gerald kay Rayver.

January daw sinimulan ni Rayver gawin ang album pero December pa lang ng 2015 ay nagpag-usapan na nila ang project na ito. And then, nagsimula na siyang mag-prepare for the album.

“Uhm, siyempre voice lessons and practice ng matindi. Pinaghandaan ko talagang mabuti kasi gusto kong maging successful ‘yung album,” sabi ng dancer-actor at singer na rin ngayon.

May plano rin ba na ipagprodyus si Rayver nina Gerald at Sam ng concert, “Ewan ko doon sa dalawa. Ha-hahaha! Pinasok nila ‘to, e!”

“Pero dito muna ako. Ipaparinig ko muna sa mga tao (album). Mag-iikot muna ako sa iba’t ibang lugar to promote. Marami akong pupuntahan, pero dito-dito lang muna sa Manila,” dugtong ni Rayver.

Expected na rin ni Rayver na may mga “manlalait” sa kanya as a singer, “Ah, okey lang kasi kasama naman ‘yun. And gagamitin ko ‘yung pamba-bash na ‘yun para mag-improve pa lalo sa craft ko.”

Habang nag-iikot for his album, maghahanda na rin siya sa bago niyang indie movie titled “K9.” At pagdating naman sa lovelife niya, hopefully magkaroon na raw siya ng girlfriend this year.

“Pwede naman na. Yes, ready na ako. Darating naman ‘yan, e. Pero okey naman ako. Wala man akong lovelife, sobrang inspired ako sa ginagawa ko ngayon. Nandiyan ang family and friends ko, kasi ako, ayokong hanapin. Kapag dumating ang tamang babae sa akin, darating ‘yun,” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong namin si Rayver kung hindi ba siya naiinggit sa ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes na may sarili ng family, “Oo nga, e. Sobrang happy ako sa kanya. Alam ko na matagal na niyang gusto ‘yun. Inggit, hindi siguro kasi alam ko na darating naman ‘yung para sa akin,” esplika ni Rayver.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending