Sawa na sa pagkakatulong (2) | Bandera

Sawa na sa pagkakatulong (2)

Joseph Greenfield |May 26,2016
facebook
share this

Sawa na sa pagkakatulong (2)

Joseph Greenfield - May 26, 2016 - 02:20 PM

Sulat mula kay Sabel ng Magkiangkang, Bayuga, Agusan Del Sur
Problema:
1. Matagal na kong nagkakatulong simula 17 years old pa lang ako hanggang sa ngayon na may asawa na at mga anak na ako katulong pa rin ang trabaho ko. Hirap na hirap na ako sa kalagayan kong ito pero wala akong magawa, dahil ito lang ang alam kong trabaho para makatulong sa aking mister.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong maka-ahon sa pagkakatulong at guminhawa kahit konti ang aming buhay. Sana mabigyan nyo rin ako ng numero na tatama sa lotto lalo na ngayong papasok na sa school ang mga bata wala pa akong pambili ng mga gamit nila. January 13, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Sabel ng Agusan del Sur

Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing bigla kang susuwertehin sa Mayo, Setyembre, Disyembre, Enero hanggang Pebrero, kaya sa mga buwan na nabanggit ka dapat makipagsapalaran sa anomang uri ng number games. Dahil sa nasabing mga buwan, malaki ang tsansa na ikaw ay mapag-uwi ng dambuhalang halaga.
Numerology:
Ang mga taong isinilang sa petsang 13 ay likas na magiging suwerte kung sila ay makikipagkaibigan sa mga taong isinilang sa petsang 7, 16, at 25, 1, 10, 19 at 28. Kapag nagkaroon ka ng kaibigan, anak, kasama sa bahay, asawa o kung sinomang malapit sa iyo na ganyan ang birth date, siya ang isama mo sa tuwing ikaw ay makikipagsapalaran sa anomang uri number games, kapag nagawa mo iyan, bigla kang mananalo ng malaking halaga na halos hindi mo kayang bilangin.
Luscher Color Test:
Sa pagtaya sa anomang uri ng number games higit kang magiging mapalad kung lagi kang magsusuot ng kulay na dilaw, berde at itim.
Huling payo at paalala:
Sabel ayon sa iyong kapalaran pagpasok na pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taong 2017, sa edad mong 36 pataas, lagi kang maglalabas ng bahay at makipag-sapalaran sa mga number games, dahil sa panahong iyon, alin sa dalawa ang posibleng maganap: Una, may magpapahiram sa iyo ng malaking halaga ng salapi upang ikaw ay makapag-negosyo o dili naman’y sa isang hindi mo inaasahang sitwasyon at pagkakataon – bigla kang mananalo ng dambuhalang halaga sa lotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending