Melai nag-iiyak sa dressing room ng Magandang Buhay; problemado kay Jason | Bandera

Melai nag-iiyak sa dressing room ng Magandang Buhay; problemado kay Jason

Dominic Rea |May 26,2016
facebook
share this

Melai nag-iiyak sa dressing room ng Magandang Buhay; problemado kay Jason

Dominic Rea - May 26, 2016 - 12:22 PM

Jason Francisco at Melai Cantiveros

Jason Francisco at Melai Cantiveros


MIYERKULES pa lang ng gabi ay nabigla na kami sa mga social media post ng kaibigang Melai Cantiveros. Napansin namin na ang dating Instagram account name niyang @mrandmrsfrancisco ay napalitan na ng @msmelaicantiveros.
Mas nagulat naman kami sa mga latest post niya sa Instagram na tila may pasaring sa buhay mag-asawa o isang relasyon tulad ng mga katagang “I am tired” at “ginawa ko lahat”. May isang concern fan na nagsabi sa amin na baka raw na-hack ang IG account ng TV host-comedienne. We tried to connect with Melai sa kanyang social media account pero wala kaming nakuhang sagot sa kanya.
Feeling ko, may pinagdadaanan ang mag-asawa kaya for the past 12 hours ay nanahimik muna ako bilang respeto na rin sa personal na buhay ng mag-asawa. But just this morning ay live na live po ang Magandang Buhay, ang pang-umagang programa nina Melai, Karla Estrada at Jolina Magdangal. Pumunta ako sa studio ng show at dfoon ay nakita ko si Melai. Since morning show ito at freshness at goodvibes ang kailangan, naitawid ni Melai ang live airing ng Magandang Buhay.
May kunot sa noo ng komedyana kahit sabihin mong nagpapatawa siya sa show. Mararamdaman mong tinitiis niyang labanan ang isang sitwasyon para lang magampanan nang maayos ang kanyang trabaho. Nu’ng sinenyasan ko siya kung okey lang siya, biglang nanamlay ang mukha ni Melai at malalim ang tingin sa akin kaya alam kong may pinagdadaanan nga sila ng asawang si Jason Francisco.
After the live airing ay pumasok na sina Karla, Jolina at Melai sa kanilang dressing room at dito ko nasaksihan ang paghagulgol ni Melai habang kausap ni Jolina sa comfort bed nito inside the dressing room. Hanggang sa kinausap na siya ng ilang matatalik na kaibigan from the production na nagbibigay ng moral support sa aming kaibigan.
Mukhang malalim ang pinagdadaanan nina Melai at Jason ngayon. Masyadong personal ang kanilang away at hindi natin puwedeng panghimasukan. Mukhang foul daw ang ginawa ng lalaki ayon pa sa mga nakarating sa akin na hindi lang nagsasalita si Melai dahil bilang asawa siguro, sa mga puntong kaya pa namang pag-usapan ang lahat ay kinakaya niya bilang babae.
Wala tayong ibang magagawa ngayon kundi ipagdasal ang dalawa na sana ay malampasan nila ang pagsubok na ito sa kanilang buhay. Tama na ang pag-iyak Melai. Kaya mo yan! Maging matatag!
Apektado kami bilang kaibigan dahil alam namin kung gaano kamahal ni Melai ang kanyang pamilya kaya nga kahit ngarag ito sa taping ng kanyang seryeng We Will Survive at daily morning show na Magandang Buhay ay sinisiguro niyang may time pa rin siya sa kanyang pamilya. Sana’y magkaroon din ng liwanag ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending