4 na bagong Sang’gre ng Encantadia hinamon ni Regine | Bandera

4 na bagong Sang’gre ng Encantadia hinamon ni Regine

Ervin Santiago |May 26,2016
facebook
share this

4 na bagong Sang’gre ng Encantadia hinamon ni Regine

Ervin Santiago - May 26, 2016 - 12:35 AM

regine velasquez

HANDANG-HANDA na ang Sarap Diva house para sa pagdalaw ng mga Sang’gres ng bagong version ng fantaseryeng Encantadia 2016 ng GMA 7.

Abangan ang mga paandar at pasiklaban nina Amihan, Alena, Danaya at Pirena sa mala-beauty contest game at kakaibang talento na gagampanan nga nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro.

Katatawanan naman ang hatid ni Inday Teri at ng komedyanteng si Donita Nose! Siguradong sasakit ang mga tiyan n’yo sa katatawa sa paghaharap ng dalawang gay comedian kasama pa rin ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Para sa pananghalian, isang especial na Binalot Sa Saging dish naman ang ituturo sa atin ni Regine na perfect sa mga nagda-diet. Isa na namang masarap na kuwentuhan, kainan at kantahan ngayong Sabado sa favorite n’yong cooking show with a big twist sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending