Sharon mataba man natural pa rin ang ganda; Wala pang ipinaretoke sa mukha | Bandera

Sharon mataba man natural pa rin ang ganda; Wala pang ipinaretoke sa mukha

Cristy Fermin |May 26,2016
facebook
share this

Sharon mataba man natural pa rin ang ganda; Wala pang ipinaretoke sa mukha

Cristy Fermin - May 26, 2016 - 12:25 AM

sharon cuneta

KAUSAP namin ang mga katrabaho ngayon ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN, medyo nabawasan na nga raw ang kanyang timbang ngayon, pero dahil lumaki siya nang todo ay halos hindi mo mapapansin ang kanyang pagpayat.

Kapag lumobo nga naman nang husto ang tao, makapagbagsak man siya nang malaking porsiyento ng timbang ay hindi gaanong mabibigyan ng halaga ang nawala, dahil natatalo pa rin ‘yun ng bigat niya sa kasalukuyan.

Kuwento ng aming source, “Kailangan pa rin niyang magsuot ng black para hindi masyadong maging obvious ang weight niya. May nabawas, totoo ‘yun, pero it’s not enough to make her small. “Lumaki kasi siya nang todo, sumobra ang laki niya, kaya makapagbawas man siya nang fifty pounds ngayon, malaki pa rin ang itsura niya,” reaksiyon ng aming kausap.

Todong diet at exercise pa rin daw ang kailangang pagsakripisyuhan ng Megastar para magmukha na siyang maliit sa screen. Madaya pa naman ang telebisyon, lumalaki nang ten pounds ang personalidad, napakalaki ng kaibahan sa personal.

“Pero maganda pa rin siya, ibang klase ang ganda ni Sharon, alam mong hindi ‘yun produkto ng siyensiya. Wala siyang operasyon sa face, bumawi naman siya sa katawan,” natatawa pang kuwento ng aming impormante.

Pero pumayat man ang Megastar o hindi ay siya pa rin ang singer-actress na patuloy na sinusuportahan ng ating mga kababayan, walang makahahalili sa kanyang trono, hanggang sa huling pagtutuos ay siya pa rin si Sharon Cuneta na malaking bituin ng telebisyon at pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending