Jennylyn may bagong pelikula uli sa Star Cinema; Pinalilipat na rin daw sa ABS-CBN | Bandera

Jennylyn may bagong pelikula uli sa Star Cinema; Pinalilipat na rin daw sa ABS-CBN

Alex Brosas |May 26,2016
facebook
share this

Jennylyn may bagong pelikula uli sa Star Cinema; Pinalilipat na rin daw sa ABS-CBN

Alex Brosas - May 26, 2016 - 12:05 AM

jennylyn mercado

KABOG na kabog na ni Jennylyn Mercado si Marian Something.

Kaliwa’t kanan ang projects ni Jen samantalang si Marianita ay hanggang TV lang.
Heard that after her successful movie with John Lloyd Cruz ay meron kaagad follow-up movie ang aktres sa Star Cinema.

Bakit nga ba kasi nagsara ang GMA Films at tumigil na sa pagpoprodyus ng movies? Marami tuloy GMA stars ang frozen delight at walang career. Hindi naman kasi nakakasabay ang GMA Films sa Star Cinema, lagi silang butata sa box office.

Anyway, nai-post ang photo ni Jen kasama ang taga-production ng Dos at dito nga namin nalaman na meron nang next movie ang aktres sa Star Cinema. Sa comment section, may nagsabing, “Lipat ka na Jen. Let’s see kung kaya mo sa abs. Masyadong mayabang ang mga tards mo eh.”

Na sinagot naman ng isang fan na, “Baka nmn totoo sinasabi ng tards niya? Ako Kapamilya ako at recently ko lang siya napanuod sa movie bagay siya sa ABS-CBN at nasasayangan ako sa kanya sa GMA. #fact Si Julie Anne man nasasayangan ako sa talent niya.”

“Omg! Im so excited. Sino kaya? Partner nya? Si piolo kaya? And for the record. Hindi ako tard nang kahit sino. Pero pag jen alam ko maganda kasi napakagaling nya kaya tinatangkilik ko . Di dapat mang inggitan. At mag talangka mentality. Walang aasenso dyan,” say naman ng isa pang fan.

And what about Marianita? Naku, ‘yung mga shows niya sa Siyete ay non-raters especially ‘yung early morning show niya. Hindi ba’t may panawagan na sibakin na siya sa mga programa niya dahil hindi ito nagre-rate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending