Thunder isang panalo na lang | Bandera

Thunder isang panalo na lang

|May 26,2016
facebook
share this

Thunder isang panalo na lang

- May 26, 2016 - 12:15 PM

durant

OKLAHOMA CITY — Tinambakan ng Oklahoma City thunder ang Golden State Warriors kahapon, 118-94, para lumamang ng 3-1 sa kanilang Western Conference Finals best-of-seven series.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Thunder para mapatalsik ang nagdedepensang kampeon at makapasok sa NBA Finals. Kumulekta ng 36 puntos, 11 rebounds at 11 assists si Russell Westbrook para sa kanyang kauna-unahang triple-double sa playoffs matapos na makapagtala ng 18 sa regular season.

Nagdagdag naman ng 26 puntos at 11 rebounds si Kevin Durant para sa Thunder. Sa kauna-unahang pagkakataon din sa season na ito ay natalo ng dalawang dikit ang Golden State na tinapos ang regular season na may league record 73 wins.

Ang Game Five ay itinakda bukas sa homecourt ng Warriors. Nanguna si Klay Thompson para sa Golden State na may 26 puntos habang ang two-time league MVP na si Stephen Curry ay may 19 puntos sa likod ng masaklap na 6-of-20 field goal shooting.

Si Draymond Green, na napatawan ng $25,000 multa sa pagsipa nito kay Steven Adams sa Game 3, ay may anim na puntos, 11 rebounds at anim na turnovers para sa Thunder. Nakakuha ng malaking tulong ang Oklahoma City kay starting forward Andre Roberson na umiskor ng career-high 17 puntos at sumungkit ng 12 rebounds kahapon.

Mula sa apat na puntos na kalamangan, 30-26, sa pagtatapos ng unang quarter ay umarangkada ang Thunder sa second period at lumamang ng 72-53 sa halftime break. Naghabol ang Warriors sa third quarter sa pangunguna ni Thompson pero nabigo itong mabawi ang kalamangan sa fourth quarter kung saan pumutok sa opensa sina Durant at Westbrook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending