Tignan: Pagba-bonding ng 5-buwang gulang na gorilla at batang babae trending sa social media | Bandera

Tignan: Pagba-bonding ng 5-buwang gulang na gorilla at batang babae trending sa social media

|May 25,2016
facebook
share this

Tignan: Pagba-bonding ng 5-buwang gulang na gorilla at batang babae trending sa social media

- May 25, 2016 - 06:59 PM

gorilla
TRENDING sa social media ang litrato ng limang-buwang gulang na gorilla at dalawang-anyos na batang babae matapos namang maglapat ang kanilang mga palad kung saan isang salamin ang kanilang pagitan.

Nag-iikot ang batang babae na si Braylee Davis sa loob ng Fort Worth Zoo sa Texas nang makita niya ang batang gorilla na si Gus.
Makikitang naglapat ang mga palad ng batang babae at gorilla sa kabila ng salamin naghihiwalay sa kanila.
Ipinost sa Facebook at Instagram ng Forth Worth Zoo ang litrato ng dalawa noong Martes.
“As he gets older, Gus is exploring more and more of the world around him, which includes encounters with new friends like Braylee of Fort Worth,” nakalagay sa caption.

Umabot na sa 2,000 ang likes ng Facebook, samantalang umabot na sa 1,300 likes ang Instagram.
Augustus ang buong pangalan ni Gus, na ipinanganak noong Disyembre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending