Sawa na sa pagkakatulong | Bandera

Sawa na sa pagkakatulong

Joseph Greenfield |May 25,2016
facebook
share this

Sawa na sa pagkakatulong

Joseph Greenfield - May 25, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sabel ng Magkiangkang, Bayuga, Agusan Del Sur
Dear Sir Greenfield,
Matagal na kong nagkakatulong. 17-years-old pa lang ako hanggang sa ngayon na may asawa na at mga anak na ako ay katulong na ang trabaho ko. Hirap na hirap na ako sa kalagayan kong ito pero wala akong magawa dahil ito lang ang alam kong trabaho para makatulong sa aking mister. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makaahon sa pagkakatulong at guminhawa kahit konti ang aming buhay. Sana mabigyan n’yo rin ako ng numero na tatama sa lotto lalo na ngayong papasok na sa school ang mga bata wala pa akong pambili ng mga gamit nila. January 13, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Sabel ng Agusan del Sur

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Biglang Suwerte sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), ito rin ang guhit na tinatawag na Guhit ng Negosyo, (arrow 1.). Ibig sabihin, dalawang bagay ang magiging daan upang makaahon ka sa pagkakatulong—ang ikaw ay mag-negosyo o kaya’y bigla kang tatama ng malaking halaga sa anumang uri ng number games.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Seven of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng mga kahirapan at pagdurusa, sa susunod na taong 2017 hanggang 2018, may isang bago, mas maunlad at mas magandang buhay na darating. Sa panahong nabanggit, sa edad mong 36 pataas, ay makakaahon ka na sa pagkakatulong hanggang tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy na ring uunlad at giginhawa ang inyong kabuhayan.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending