Binatilyo kinain ng leon habang natutulog sa labas ng bahay | Bandera

Binatilyo kinain ng leon habang natutulog sa labas ng bahay

|May 24,2016
facebook
share this

Binatilyo kinain ng leon habang natutulog sa labas ng bahay

- May 24, 2016 - 07:16 PM

leon
KINAIN ng leon ang 14-anyos na binatilyo habang natutulog sa labas ng kanyang bahay sa Gujarat, India, ayon sa ulat ng Malaysia Nanban.
Nangyari ito sa plantasyon ng mangga kung saan nakatira at nagtatrabaho ang biktima at kanyang pamilya.
May ibinigay na bahay sa pamilya, bagamat madalas silang natutulog sa labas ng dahil mainit sa loob.
Ginawa nila ito sa kabila ng babala mula sa plantation manager na naglalakbay ang mga leon mula sa kalapit na gubat.
Noong Sabado, hindi makita ng pamilya ang binatilyo kayat tumawag sa otoridad.
Naghanap ang mga pulis at wildlife department personne kung saan natagpuan ang ilang bahagi ng katawan ng biktima sa iba’t ibang lugar sa gubat.
Natagpuan ang katawan ng biktima malapit sa pinagtataguan ng leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending