Julio Diaz nagpapagaling sa Baguio; dinalaw ng anak matapos ang 14 taon | Bandera

Julio Diaz nagpapagaling sa Baguio; dinalaw ng anak matapos ang 14 taon

Ervin Santiago |May 25,2016
facebook
share this

Julio Diaz nagpapagaling sa Baguio; dinalaw ng anak matapos ang 14 taon

Ervin Santiago - May 25, 2016 - 02:00 AM

julio diaz

UNTI-UNTI nang nakaka-recover ang magaling na character actor na si Julio Diaz matapos malagay sa peligro ang kanyang buhay ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Napanood namin sa Rated K ni Korina Sanchez last Sunday ang kundisyon ngayon ni Julio, nasa Baguio pala ngayon ang award-winning actor para doon magpagaling. Inirekomenda kasi ng kanyang mga doktor na sa Baguio muna mag-stay dahil kailangan niya ng malamig na lugar para mas mabilis bumuti ang kanyang kalagayan.

Dininig din daw ng Diyos ang isa sa mga dasal niya na makita ang kanyang anak na 14 taon nawalay sa kanya, “Nakakalungkot hindi ko nakita ang kanyang paglaki and then parang nice na niya sa akin. Siyempre, 14 years without seeing her, e.”

Nagpasalamat din ang aktor sa lahat ng mga tumulong sa kanya para makabayad sa ospital at matustusan ang ginawang operasyon sa kanya. Aniya, kung hindi raw sa mga ito, malamang daw hindi na siya nabigyan ng chance na mabuhay.

Sa edad na 57, umaasa si Julio na marami pa siyang magagawang makabuluhan sa kanyang buhay, “Nowadays, ang sarap pala ng buhay na lumalaban ka. Ang Panginoong Diyos ay binigyan tayo ng buhay dahil mahal ka niya, dapat mahalin mo rin yun.”  Nagdarasal din siya na sana’y makabalik pa siya sa pag-aartista sakaling gumaling na siya nang tuluyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending