Billy handa nang pakasalan si Coleen: 34 na ako, kaya ayoko nang magsayang ng oras!!! | Bandera

Billy handa nang pakasalan si Coleen: 34 na ako, kaya ayoko nang magsayang ng oras!!!

Ervin Santiago |May 25,2016
facebook
share this

Billy handa nang pakasalan si Coleen: 34 na ako, kaya ayoko nang magsayang ng oras!!!

Ervin Santiago - May 25, 2016 - 02:00 AM

billy crawford at coleen garcia

PAREHONG umaasa ang magdyowang Billy Crawford at Coleen Garcia na sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Sabi ng Kapamilya TV host-actor, feel nafeel niyang si Coleen na ang “the one” para sa kanya at ganu’n din daw ang dalaga sa kanyang boyfriend. Pero ayon sa magkarelasyon, ayaw nilang madaliin ang tungkol sa wedding dahil naniniwala silang darating ito sa tamang panahon.

Kahit pa raw binigyan na ng blessing ng tatay ni Coleen na si Jose Garcia si Billy, wala pa raw talaga sa plano nila ang magpakasal. Pero ayon kay Billy handang-handa na siyang maging asawa ni Coleen pero aniya, kung hindi pa ready ang dalaga ay willing siyang maghintay.

“Masasabi ko she is the one, I mean, 34 years old na ako, I don’t wanna waste time. Nagawa ko na lahat, 30 years na ako sa industriya. Sa buong buhay ko, marami na rin akong pinagdaanan, lahat nagawa ko na.

“Pero alam ko kasi may natitira pang oras para sa trabaho niya (Coleen), sa passion niya, ano ba talaga ang gusto niya? She’s turning 24, so I’m willing to wait patiently,” ang paliwanag ng TV host-comedian nang mag-guest siya sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

Special guest din ng programa ang tatay ni Coleen at dito nga niya inulit ang pagbibigay niya ng blessing sa anak at kay Billy, “Actually, hindi na kailangang sabihin, I mean, understood na iyon, e. They look so happy with each other.

“Sa akin naman, if ever, just keep up the good work. Pero it’s nice to be asked. If they ask, well, by all means. They’re the only ones who can answer if… sila na. So, for me, yung blessing, I think it’s been given already,” ang sabi ng tatay ni Coleen.

Inamin naman ni Coleen na nu’ng nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Billy ay talagang nagdalawang-isip siya kung itutuloy pa niya ito lalo na nu’ng magsimula na ang pang-iintriga sa kanya at sa ex-dyowa ni Billy na si Nikki Gil. Marami ang nagsabi na inahas niya si Billy kay Nikki.

“Yung start ng relationship, kasi hindi pa kami sure, e, ako hindi pa ako sure. Paano ka lalaban kung hindi ka sure? You really have to take a chance,” sey pa ng dalaga.

Singit naman ni Billy, “At saka ang dami nang involved. Alam mo iyon, inuunahan na kami. So, kung ano na lang yung pumapasok sa ulo namin sa isa’t isa. Yung nagpapaniwala sa ibang tao. Iyon ang pinakamali, e.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Coleen, “Ang galing ni God kasi parang hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko, e. So I decided to go for it, humingi ako ng guidance and everything.

“Sabi ko kay God, ‘Just allow everything to fall into place.’ And nagkataon na for the first time in my life, talagang nag-work ang isang relationship. There’s nothing wrong at all with what’s going on between us,” dagdag pa ni Coleen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending