Kahit wala sa kalyeserye, AlDub trending pa rin | Bandera

Kahit wala sa kalyeserye, AlDub trending pa rin

Djan Magbanua |May 24,2016
facebook
share this

Kahit wala sa kalyeserye, AlDub trending pa rin

Djan Magbanua - May 24, 2016 - 03:42 PM

TALAGANG mahal na mahal ng mga taga hanga nila Alden Richards at Maine Mendoza ang Kalyeserye dahil tutok na tutok pa rin sila kahit na matagal nang absent ang magka-love team. Nasa Italy kasi ang dalawa para i-shoot ang first solo movie nila. Pero kahit na wala nga ang dalawang Kalyeserye stars ay pinakita pa rin ng AlDub na hindi pa rin mawawala ang love nila. Ngayong Martes pa lang ay umabot na nasa 526,000 tweets ang inabot ng #ALDUBTouchOfLove at patuloy pa rin ang pagtaas. Natuwa naman ang mga taga subaybay ng Kalyeserye nang ipinalabas sa Eat Bulaga ang ilang behind the scenes video ng dalawang stars. Sa naturang video clip makikita ang pagluluto ni Maine kasama si Alden at ilang crew members kasama ang ilang shots from Italy. Makikita pa na tinuruan ni Alden ang isang crew na kumain ng butong pakwan at naghihiwa ng isda. Keri naman kasi nila Wally Bayola at Jose Manalo lalo na’t nadagdag pa ang kyut na kyut na Lola’s Playlist kung saan kumakanta ang ilang mga piling bata sa mga paburitong kanta ni Lola Nidora na sikat na sikat ng kapanahunan nya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending