Jessy biglang naging no. 1 sa botohan ng FHM sexiest woman; JC kinakarir ang pangangampanya | Bandera

Jessy biglang naging no. 1 sa botohan ng FHM sexiest woman; JC kinakarir ang pangangampanya

Ambet Nabus |May 23,2016
facebook
share this

Jessy biglang naging no. 1 sa botohan ng FHM sexiest woman; JC kinakarir ang pangangampanya

Ambet Nabus - May 23, 2016 - 02:00 AM

jessy mendiola at jc de vera

SPEAKING of a winning aura, ganyan ang feeling ngayon ni Jessy Mendiola na biglang naging number one sa latest FHM’s Sexiest standing, matapos itong ikampanya ng todo ng ngayo’y very good friend niyang si JC de Vera.

Yes, uso na rin ang kampanyahan among co-celebrities na sineseryoso ang mga kagayang search dahil anila, “Nakaka-inspire naman at nakakatulong sa fitness and health consciousness ng mga tao.”

Nagsipag talaga si JC at habang on-going pa ang pangangalap ng mga text and on-line votes, naengganyo tuloy si Jessy na laging magpakita ng kanyang napakaseksing alindog sa mga social media posts nito.

Simula nga ng maging magkatrabaho ang dalawa mula sa drama soap na You’re My Home hanggang sa sitcom na Banana Sundae, nagtuloy-tuloy na rin ang maganda nilang friendship na ayaw nilang lagyan ng label na “more than” dahil sey nila, “mas happy at fulfilling ang ganito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending