Sylvia Sanchez awang-awa na kay Angge: Dasal ko na sana magkaroon ng himala! | Bandera

Sylvia Sanchez awang-awa na kay Angge: Dasal ko na sana magkaroon ng himala!

Reggee Bonoan |May 22,2016
facebook
share this

Sylvia Sanchez awang-awa na kay Angge: Dasal ko na sana magkaroon ng himala!

Reggee Bonoan - May 22, 2016 - 02:00 AM

sylvia sanchez

SA Punta de Uian private resort, San Antonio, Zambales nagdiwang ng kanyang 45th birthday si Sylvia Sanchez kasama ang pamilya, mga kapatid, at ilang malalapit na kaibigan.

Wala ang dalawang anak ni Ibyang na sina Arjo at Ria Atayde, may taping ang aktor para sa FPJ’s Ang Probinsyano habang nasa taping naman ng Maalaala Mo Kaya si Ria. Taun-taon ay iisa lang ang wish ni Ibyang pero ngayong ika-45th birthday niya ay sobra-sobra ang kaligayahan niya.

“Masaya ako Reggs, kasi ang mga anak kong sina Arjo at Ria, natupad na ‘yung pangarap nila, sana magtuluy-tuloy na sila. Ang asawa kong si Art (Atayde) steady lang ang negosyo, mga kapatid ko, pamilya ko sa Mindanao, in good health lahat.

“Siyempre sa career ko, steady lang din, okay na ako na hindi nawawalan ng projects, nagkakaedad na rin kaya hindi na puwedeng lumagare nang husto. Kuntento na naman ako kung anong meron ako ngayon. “Isa pang ipinagpapasalamat ko, hindi natitikman ng mga anak ko ang ma-bash. Mabait ang netizens sa mga anak ko kaya bilin ko talaga kina Arjo at Ria na huwag silang gagawa ng dahilan para ma-bash sila dahil makaka-apekto ‘yun sa kanila.

“Siyempre nanay ako, ayokong makabasa ng hindi maganda, masasaktan talaga ako para sa kanila,” dagdag pa ng premyadong aktres. At ang wish naman ni Sylvia para sa kanyang manager na si tita Angge na nasa hospital pa rin hanggang ngayon matapos itong ma-comatose, sana raw magkaroon ng himala at gumaling na ito.

“Nahihirapan ako, Reggs, nasasaktan ako for Tita A kasi nakikita kong hirap na hirap na siya. Bahala na si Lord, pero sana magkaroon ng himala at gusto ko na siyang makakuwentuhan, nami-miss ko na ‘yung sigaw niya at pangungulit,” nalungkot na sabi ng aktres.

Samantala, hanggang tenga naman ang ngiti ng aktres dahil maganda ang feedback na nakukuha nila araw-araw mula sa mga manonood ng fantaserye nila sa ABS-CBN na Super D na pinagbibidahan nina Dominic Ochoa at Marco Masa handog ng Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending