Michael Pangilinan posibleng ma-in love sa bading | Bandera

Michael Pangilinan posibleng ma-in love sa bading

Ambet Nabus |May 21,2016
facebook
share this

Michael Pangilinan posibleng ma-in love sa bading

Ambet Nabus - May 21, 2016 - 02:00 AM

Michael Pangilinan

                                                                                 Michael Pangilinan

KUNG si Edgar Allan ay siniguradong babae pa rin ang gusto niyang pakasalan in the future, ayaw namang magsalita ng patapos ni Michael Pangilinan na hindi siya papatol o magmamahal ng bading.

“Malay po natin. Mahirap magsalita ng tapos pero tinitiyak ko pong babae rin talaga ang hanap ko. Nagkataon din po kasing sa industriyang ito ay marami tayong mga kaibigang gay na talaga namang mamahalin at irerespeto mo nang todo,” sabay segunda sa pahayag ni Edgar na kahit kailan din ay never pa siyang pumatol sa bading.

“Mahal ko po ang LGBT community in general. Although may mga naranasan na po akong panghaharas furing out-of-town shows, pero pinaiiral ko pa rin ang pagpapasensya. Nakaranas na akong madakma at mahipuan ng parehong bading at babae. Mahirap malagay sa ganu’ng sitwasyon, pero nilalawakan ko na lang ang aking pang-unawa.

“Pero kung nataon siguro na nahablot ko o nahuli ko yung bading na gumaganu’n, baka nag-iba ang istorya dahil still for me, pambabastos yung ginawa niya,” kuwento pa ng anak-anakan naming puring-puri ni direk Joven sa kanilang movie.

Wish nga rin naming maging successful ang film venture ni Michael dahil complete package naman ang aura niya as film actor. Mangilan-ngilan lang naman talaga ang mga singer na nagiging matagumpay din sa pag-arte kaya’t dasal namin ang success ng launching film niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending