Aljur nag-mature ang itsura pero gumaling ang akting | Bandera

Aljur nag-mature ang itsura pero gumaling ang akting

Ambet Nabus |May 17,2016
facebook
share this

Aljur nag-mature ang itsura pero gumaling ang akting

Ambet Nabus - May 17, 2016 - 02:00 AM

aljur abrenica

MINSAN din naming nasilip ang Once Again soap sa primetime ng GMA starring Janine Gutierrez and Aljur Abrenica. To be honest, nag-mature na nga ang acting ni Aljur kasabay din ng pagkawala ng kanyang “innocent aura.”

Dati-rati kasi kapag pinapanood namin ang binata, para talaga itong bagito na kailan lang naging artista despite the so many challenging roles na kanyang ginampanan. Marahil nga ay natuto ng matindi ang guwapo pa ring aktor kaya’t madali itong mag-reflect sa akting niya ngayon.

Hindi nga lang namin masyadong bet yung pagkaka-brushed up ng kanyang buhok with matching makintab na pomada? Ha-hahaha! Worried kami na baka mapagkamalan siyang “kuya” ng napakagandang si Janine na hindi mo pagdududahan kung saan nagmana ng husay sa pagganap.

Kapuna-puna rin ang halos pagdikit ng “look” nina Sheryl Cruz at Jean Garcia, both playing as mothers sa serye, gayung alam nating mas beterana na si Jean sa showbiz. Maganda ang “reincarnation” plot ng Once Again at makatulong din sana ito kina Thea Tolentino at Jeric Gonzales na kapwa involved sa love angle ng mga bidang sina Janine (as Des) at Aljur (as Aldrin).

Waiting lang talaga kami sa episode kung saan mari-reveal na ang katotohanang mga “forbidden lovers” pala ang mga karakter nina Janine at Aljur sa kanilang past lives na talagang dumanas ng matitinding challenges sa kani-kanilang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending