Ate Guy may hiling sa mga anak ngayong Mother’s Day; Naiyak sa presscon ng MMK | Bandera

Ate Guy may hiling sa mga anak ngayong Mother’s Day; Naiyak sa presscon ng MMK

Julie Bonifacio |May 07,2016
facebook
share this

Ate Guy may hiling sa mga anak ngayong Mother’s Day; Naiyak sa presscon ng MMK

Julie Bonifacio - May 07, 2016 - 02:00 AM

 

Lotlot De Leon at Nora Aunor

Lotlot De Leon at Nora Aunor

NAGING very emotional ang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang panawagan na dalawin ng kanyang mga anak ang kanyang kapatid na si Eddie “Buboy” Villamayor.  Si Buboy ang bunsong kapatid ni Nora na nag-artista rin nu’ng kanyang kabataan at nagbida pa sa pelikulang “Alkitrang Dugo” noong late ‘70s.

Naibulalas ni Nora ang kanyang damdamin nu’ng kunin ang initial reaction niya sa balitang may natulungang iligtas ang buhay ng isang tao ng kanyang anak na si Ian de Leon sa solo presscon niya para sa kanyang pagbabalik at Mother’s Day episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, 8:15 p.m..

“Ah, siyempre masaya ako nu’ng nakarating sa akin ang balitang ‘yun kahit na nga minsan, eto walang biro, ha. Hindi ko kinakalaban ang anak ko. May mga pangyayari lang din na bukod doon sa masaya na naramdaman ko dahil nakapagligtas siya ng buhay ng isang tao sobrang kasiyahan ko ‘yun,” panimula ni Ate Guy. Ipagmamalaki raw niya si Ian sa buong mundo dahil hindi lang daw ngayon ginawa ng kanyang anak ang pagtulong sa kapwa.

“May mga insidente lang na gusto kong ipabatid na rin sa anak ko na ‘yung kanilang Tito, Uncle Buboy, ay nasa ospital. Ang nais ko lamang dahil inalagaan din naman sila ng uncle nila, huwag din naman sana nilang kalimutan. ‘Yun lang ang gusto kong ipaabot sa kanila,” malumanay na sabi ni Ate Guy.
Hiling niya na dalawin si Buboy ‘di lang ni Ian kundi pati na ang iba pa niyang mga anak na sina Lotlot de Leon, Kenneth, Kiko at Matet.

“Kasi alam ko kung paano sila minahal ng kapatid ko na ngayon magmula nu’ng July last year ay nasa ospital. Ni minsan hindi ko sila nakitang dumalaw. ‘Yun lang ang pakiusap ko. Masaya ako na nakatulong sila sa ibang tao, pero nu’ng nalaman ko ‘yun bigla akong nalungkot kasi sabi ko, ‘Buti pa ‘yung ibang tao natulungan.”

“Sorry ha, pagdating sa kapatid ko ayaw kong biruin natin kasi makikipag-away ako talaga. Kasi bunso kong kapatid ‘yun at minahal ko ‘yun. At hiniling ko sa Diyos ‘yung kapatid ko na ‘yun. At ako mismo ay inaamin ko, napabayaan ko rin siya,” sabay pagtulo ng kanyang luha.  Naka-confine sa FEU hospital si Buboy simula pa noong July last year. Hindi na raw maigalaw ni Buboy ang kanyang buong katawan, ulo na lang daw ang naigagalaw nito.

Kaugnay nito, namataan naman namin ang pinost na mensahe ng panganay na anak ni Ate Guy na si Lotlot sa kanyang Facebook account nu’ng umaga the day after ng presscon ng Superstar para sa MMK.

Narito ang buong mensahe ni Lotlot sa kanyang FB, “Nakakalungkot isipin na kahit gaano mo ipakita ang pagmamahal at malasakit sa mga taong mahalaga at importante sa atin na minsan ay hindi pa din ito sapat para sa kanila…parang laging kulang pa rin. “I wonder, what does it really take for one to appreciate whatever it is na kaya mong ibigay?”

q q q

Pagkatapos nga ng matagal na panahon, muling lalabas for a very special episode ang legendary actress na si Nora Aunor sa Maalaala Mo Kaya. Gagampanan niya ang karakter ni Yolly na isang inang handing gagawin ang lahat para sa kanyang limang anak kung saan ang apat ay merong disorder na ipapalabas bilang Mother’s Day offering ng nasabing drama anthology ngayong Sabado ng gabi.

Inamin ni Ate Guy na ang tagal din niyang inasam-asam na makabalik at makalabas ulit sa longest drama anthology in Asia hosted by Charo Santos. Thanks to her long-time friend and veteran entertainement writer na si Baby Jimenez who sent the message na kung handa na ba siyang mag-guest ulit sa MMK and at the same time, magtrabaho ulit sa Kapamilya network.

Hindi naman lingid sa lahat na nagkaroon ng aberya between Ate Guy and the Kapamilya network executives noon. Very humble naman na nag-sorry si Ate Guy sa mga boss ng ABS sa mga nagawa niyang pagkakamali.

Nanawagan naman si Ate Guy na panoorin ng televiewers ang kanyang pagbabalik sa MMK, “Pagtulungan po natin para lalo po tayong makatulong sa mga ina na nakakalimot sa kanilang anak at sa mga nakakalimot sa kanilang ina. Kailangan po mapakita natin ang episode na ‘to para sa kanila at para sa lahat ng nanay na manonood.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama ng Superstar sa MMK episode na ito sina Joel Torre, Angeli Bayani, Junjun Quintana, Gloria Sevilla, John Vincent Sevilla, Dentrix Ponce, Amy Nobleza, Chinza Lili, Patrick Sugui, John Michael Gacayan, Celine Lim, Faye Alhambra, Tony Manalo, Suzette Ranillo, Kristel Fulgar, Marithez Samson, Eliza :Pineda, Ana Deo, Mike Asutria at Gem Ramos sa direksyon ni Raz dela Torre.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending