Mane, Kimpoy magsasabong sa Lip Sync Battle | Bandera

Mane, Kimpoy magsasabong sa Lip Sync Battle

Ervin Santiago |May 07,2016
facebook
share this

Mane, Kimpoy magsasabong sa Lip Sync Battle

Ervin Santiago - May 07, 2016 - 02:00 AM

 

Keempee De Leon at Manilyn Reynes

Keempee De Leon at Manilyn Reynes

NGAYONG Sabado naman ng gabi, mayayanig ang Lip Sync Battle Philippines stage dahil sa paghaharap ng isa sa mga pinakasikat at inidolong tambalan in Philippine showbiz: Manilyn Reynes versus Keempee de Leon.

Dating naging real-life couple sina Mane at Kimpoy, kaya walang ibang magaganap kundi masayang personalan at patindihan pagdating sa lip sync performances. Kayanin kaya nina Michael V at Iya Villania ang kanilang mga pasabog?

Naghanda si Manilyn ng dalawang pantapat kay Keempee. Ang isa ay challenging para sa kanya dahil bagong international hit song ito na may markadong dance moves. Ang isa naman ay isang ultimate macho song, kaya naman pinapangako ni Manilyn na matindi—at matitikas—ang mga hatak niyang guests para sa kanyang Round 2.

Iba naman ang magiging atake ni Keempee. Gagamitin niya ang lahat ng alas at nalalaman niya tungkol kay Manilyn para mapatumba raw ang ex-girlfriend sa Round 1 pa lang. At ang pasabog niya para sa Round 2 ay sapat raw na dahilan para i-shave niya ang lahat ng buhok niya sa katawan.

Ano-ano kaya ang mga paandar na gagawin ng dalawa? Umubra kaya sila sa audience? Kaninong performance ang mas papalakpakan? Abangan ang matinding face-off na ito sa Lip Sync Battle Philippines tonight after Pepito Manaloto sa GMA pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending