Sigaw ng bashers kay Chito Miranda: Ang daldal mo para kang babae! | Bandera

Sigaw ng bashers kay Chito Miranda: Ang daldal mo para kang babae!

Alex Brosas |May 06,2016
facebook
share this

Sigaw ng bashers kay Chito Miranda: Ang daldal mo para kang babae!

Alex Brosas - May 06, 2016 - 03:00 AM

CHITO MIRANDA

CHITO MIRANDA

NA-BASH nang husto si Chito Miranda when he posted a long aria about his presidential choice. Para kasing nagbago ang kanyang isip after naglabasan ang controversy sa kanyang idol na si Rodrigo Duterte.

“Wag naman kayo magalit sa akin. Para naman kayong mga gago eh. Wala naman akong ginagawang masama eh. Pinag-aaralan ko lang ng todo kung tama nga ba talaga ang desisyon ko, kasi chong, napaka-importante ng gagawin nating pagboto,” say ni Chito sa kanyang Facebook account.

“Kinabukasan natin ang pinag-uusapan natin dito. Kung manghusga kasi yung iba, parang ang sama sama at ang tanga tanga ng ginagawa ko eh.

“Ganun? Ako pa yung tanga?! Chong, maniwala kayo…tama yung ginagawa ko.

“Alam nyo naman na Duterte ako mula dati dahil bilib talaga ako sa nagawa nya para sa Davao eh. Pero pinag-aaralan ko talaga ng todo yung desisyon ko by comparing Duterte’s platform and track record with those of the other candidates.

“Dahil malapit na ang election, walang masama kung ido-double check natin lahat ng options natin.

“Walang masama kung pag-aralan ko ng todo yung plataporma at kakayahan ng bawat kandidato bago ako mag-final decision next week.

“Sa tingin nyo mali ba yun? Sa tingin ko, tama nga yung ginagawa ko eh, kasi I’m being a responsible voter. I check and double check all my options.

“Kaya wag nyo akong huhusgahan na walang paninindigan. Di nga ako tumanggap ng pera or kahit ano mula kahit kanino dahil pinahahalagahan ko yung magiging desisyon ko eh.

“Chong, mas informed ako sa magiging desisyon ko dahil sa ginagawa ko.

“Kung Duterte pa rin ako pagkatapos ko malaman lahat ng pwede kong malaman tungkol sa ibang mga kandidato, at least sigurado ako na tama ako, kasi pinag-aralan ko talaga yung desisyon ko.

“Kung sakaling magbago man ang isip ko, ito ay dahil sa matinding pananaliksik at matinding pag-aaral at hindi dahil sa wala akong paninindigan.

“O ngayon…sino sa atin ang mas nag-iisip?”

‘Yan ang mahabang litanya ni Chito which didn’t sit well with some of his fans.

“Para kang babae, paiba iba isip. Daldal mo pa, pwede mo naman sarilinin yan desisyon mo. Kung kailan malapit na eleksyon, ngayon mo pa naisip yan? Si mang jose ka ba? Ang superhero na pwedeng arkilahin?”

“Hindi ka na lang sana nagsalita kasi sikat ka, silip na nga ng ibang kampo na ayaw mo ke digong na post na nga nila sa web at tindi pa nga ang iba kung paano ka sumanib.

“Ngayon pag ikaw ay lumantad na sabi mo hindi ka bayad, ibang usapan na yan. Inirerespeto ko ang decision mo pero isip isip sana na hindi ka na lang nag salita. Mainit ang eleksion na ito nakasalalay ang buhay ng mga mahihirap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang say ng mga ungas na basher ni Chito na mukhang ayaw na nga kay Duterte unlike Aiza Seguerra and Robin Padilla na very strong pa rin ang support sa kanilang kandidato.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending