Heart na-in love kay Chiz dahil sa jeep at lumpiang shanghai: Siyempre gwapo rin! | Bandera

Heart na-in love kay Chiz dahil sa jeep at lumpiang shanghai: Siyempre gwapo rin!

Ervin Santiago |May 06,2016
facebook
share this

Heart na-in love kay Chiz dahil sa jeep at lumpiang shanghai: Siyempre gwapo rin!

Ervin Santiago - May 06, 2016 - 03:00 AM

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

KAYA naman pala sobrang na-in love si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero ay dahil ginamit ng beteranong mambabatas ang “sweet lover” style ng mga tsuper upang paibigin ang aktres.

Kwento ni Chiz sa mga driver na miyembro ng “Stop and Go Coalition” noong May 1, umarkila daw siya ng jeep upang ipasyal si Heart sa UP sunken garden para sa kanilang unang date. Yun daw ang unang beses na nakasakay si Heart sa jeep.

“Pagkatapos no’n, sanay siya sa mga magagarbong restaurant, di ba? Kumain kami sa Kowloon ng lumpiang shanghai diyan sa may West Avenue (Q.C.),” ani Chiz sa ilang miyembro ng entertainment media kasama ang kanyang misis.

“Siguro ‘yun ang rason kung bakit nagustuhan niya ako kasi walang nagdala sa kaniya sa mga lugar na ‘yon,” natatawang chika pa ng senador. Ito tin ang dahilan kung bakit malapit daw si Chiz sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Sa katunayan inendorso pa siya ng Alliance of Concerned Transport Operators at ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines na may pinagsamang 2.4 milyong miyembro sa bansa.

“May mga plano ang kasalukuyang DOTC, buti na lang patapos na ang kanilang termino, na ipagbawal na daw ang mga jeep. Parang sinabi na rin nila, ipagbawal at talikuran na rin natin ang ating kultura at kasaysayan. Sa administrasyon po namin ni Sen. Grace Poe) hindi po mangyayari ‘yan,” sey ng senador sa planong pag-phase out sa jeep.

Ibinalita naman ni Heart na manalo o matalo sa eleksiyon ang kanyang asawa sa pagka-bise presidente, tuloy ang plano nilang mag-honeymoon uli para naman sa susunod nilang project – ang pagbuo sa kanilang first baby. Ang gusto sana ng Kapuso leading lady ay sa Europe sila magbakasyon para makabawi ng lakas matapos ang eleksiyon. Kung hindi rin papalarin, mananatili pa ring senador si Chiz dahil sa 2019 pa matatapos ang kanyang termino sa Senate.

Samantala, muling naitanong kay Chiz ang tungkol sa balitang sinuntok daw siya ng mister ni Grace na si Neil Llamanzares dahil daw sa pagkawala ng P300 million campaign fund ng kanilang partido.

“Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yun. Walang katotohanan yun. Magkumpare kami ni Neil. Kami na siguro ni Grace ang pinakamalapit na magka-tandem sa eleksyong ito. Kami lang ni Senator Grace ang napakaraming pinagdaanan, napakaraming nalampasan. At yung pamilya namin ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem. Mabuti na rin na yun ang sinasabi nila kesa sabihin nila magnanakaw kami o palpak o bobo kami.

“At least, yung isyu o intriga na pinalalabas nila, maliwanag, walang basehan at katotohanan. Hindi ako naka-shades at wala akong black eye at araw-araw akong lumalabas ng bahay at nangangampanya. Kaya ang labo naman ng kuwentong ‘yon.

“At sa dami ng eleksyon na pinasukan ko na, mas madami akong naging kaibigan kesa nakaaway,” paliwanag ng mister ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, tinanong naman si Heart kung tatanggapin ba niya sakaling bigyan siya nina Chiz at Grace ng posisyon sa gobyerno? “Naku, hindi na. Okay na ako kung nasaan ako ngayon. I’m happy with my life now at sa career ko. Sabi ko nga, makakatulong ako sa ibang tao through so many ways. Hindi na kailangang magkaroon pa ako ng position sa government.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending