Female star agaw-eksena sa sosyal na mall, saleslady tinarayan | Bandera

Female star agaw-eksena sa sosyal na mall, saleslady tinarayan

Cristy Fermin |May 06,2016
facebook
share this

Female star agaw-eksena sa sosyal na mall, saleslady tinarayan

Cristy Fermin - May 06, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

SA isang shopping mall ay naging sentro ng pagkainis ang isang aktres na pabara-bara kung sumagot sa mga sales ladies. Nagmamadali raw kasi siya, meron pa siyang trabaho, kaya lang ay kailangan niyang bumili ng mga gagamitin niya sa taping.

Sosyal ang mall, mga pang-esekola ang lugar, tahimik ang paligid kaya dinig na dinig ng mga nandu’n ang pagmamaangas ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman kasi mahilig mag-shopping ang girl na ‘yun, kailangan lang talaga niyang dumaan sa isang sosyal na mall dahil may kailangan siyang bilhin.

“Lipstick ang binibili niya, siya lang ang nakakaalam ng shade na kailangan niya sa taping, kaya siya na mismo ang bumaba para bilhin ‘yun.

“E, palibhasa, nagmamadali nga siya, kaya pabalang-balang ang sagot niya sa nag-a-assist na sales lady sa kanya. ‘Ito po ba?’ tanong sa kanya ng sales girl, kaya ang sagot niya, ‘Hindi, hindi ‘yan!’

“Meron pa siyang hirit na, ‘Sinabi ko na ngang ‘yan, itinatanong mo pa? Ano ka, isang malaking echo?’

Du’n na nakaramdam ng pagkainis ang sales girl, kaya ang sabi sa kanya, ‘Sorry po, ma’m, nagsisiguro lang po ako.’

“Ay, nainis si aktres, mas masungit siya, nagtaray na siya, kaya dinig na dinig ng mga nandu’n ang voice of the Philippines niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Natural, pagkaalis ng babaeng personalidad ay pinagpistahan siya ng mga nandu’n, totoo raw pala ang tsismis na super-mataray siya.

“Aysus, Bradly Guevarra kong mahal, ikaw pa ba naman ang mahuhuli sa panghuhula? Ikaw pa na napakalakas palagi ng radar?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending