Horoscope, May 06, 2016 | Bandera

Horoscope, May 06, 2016

Madam Sophia |May 06,2016
facebook
share this

Horoscope, May 06, 2016

Madam Sophia - May 06, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito masuwerteng magsuot ng pula upang ang kapalaran ay lalo pang gumanda. Sa pag-ibig, nakakikilig ang regalong matatanggap mula sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 12, 24, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Radya-Neshaya-Om.” Blue at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging makulay ang araw na ito. Dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—May magandang kapalarang matatanggap! Isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang papalapit nang papalapit ang tag-ulan may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansahan. Mapalad ang 3, 15, 21, 30, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Vig-Graha-Om.” Blue at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa tulong ng isang kaibigan maaabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, balat-sibuyas na naman ang kasuyo, pabayaan mo lang siyang magmaktol. Mapalad ang 5, 9, 21, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang taglay na elemento ng Cancer kaya habang umiinit ang panahon maligo kang lagi dalawang beses isang araw. Ganoon din ang gawin pag patak ng ulan, maligo sa ulan. Sa ganyang paraan ay maraming suwerte ang darating sa iyong kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vid-Hunan-Om.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Apoy at init ang elemento ng Leo kaya sa panahong ito ng tag-init ay maraming magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang relasyon habang sa pinansyal tuloy ang pagdating na mas marami pang salapi na hindi inaasahan. Mapalad ang 1, 9, 25, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, by the power of light, all these luck, so be mine.” Red at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Higit sa inaasahan ang makakamit na suwerte sa araw na ito. Anoman ang mapasa iyo, tipirin mo, upang huwag agad maubos o hindi agad lumipas. Mapalad ang 5, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Wag mag-isip ng masama sa kapwa. Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala rin ang sangkap upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 21, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Kahit may malaking gastusing kinakaharap, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Sa pag-ibig, madaliin ang balak na pagsu-swimming kasama ang kasuyong Taurus bago tuluyang dumating ang tag-ulan. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Maroon at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tumawa nang tumawa upang lumigaya. Wag paiiralin ang galit at poot sa kapwa. Sa pinansiyal, sa pamamagitan ng pagmamahal, darami ang kinikita. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo – kilitiin siya sa paa. Mapalad ang 5, 9, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ngayon ang araw upang mapatunayan mong hindi ka tamad. Kung patuloy na kikilos, lalong madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, sisigla ang relasyon kung sisipagan ang pakikipag-text sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Om-Aum-Name.” Yellow at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Maikli lang ang buhay, kaya’t kapag ikaw ay naging matuwid mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, minsan pa yakapin mong buong-higpit ang kasuyo at sabihin na: “Mahal na mahal na mahal kita!” Mapalad ang 1, 4, 22, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Wag mag-aksaya ng oras! Sa pinansiyal, ginto ang katumbas ng bawat sandaling lumilipas. Sa pag-ibig, tandaang tatlong bagay lang ang mahaga: pera, pamilya at karelasyon. Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending