Naghahanap ng boyfriend (2) | Bandera

Naghahanap ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield |May 06,2016
facebook
share this

Naghahanap ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield - May 06, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmine  ng Buenavista,  Alangalang, Leyte
Problema:

1. Mag- iisang taon na po akong walang boyfriend kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. May 2, 1989 ang birthday ko. Gusto ko pong magka-boyfriend kasi malungkot ang buhay ko pag wala akong boyfriend. Kaya sana matulungan n’yo akong magka-boyfriend.
2. At sana malaman ko rin ang mga lalaking ka-compatible ko para pag nagkaboyfriend ako ay pang matagalan na.
Umaasa,
Jasmine ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing isang kayumangging lalaki na medyo maskulado ang pangangatawan na isinilang sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre ang magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangasawa ay isinilang sa petang 7, 16 o kaya’y 25. Darating ang nasabing lalaki sa buhay mo sa buwan ng Hulyo o kaya’y Agosto sa taon ding ito ng 2016.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo maliit na maganda ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa nagtatrabaho sa isang transportion company, o kaya’y printing company namay kaugnayan sa communication.
Luscher Color Test:
Ang pagtatagpo ninyo ng lalaking magiging boyfriend mo at mapapangasawa ay nakatakda na, kung saan, sa araw na iyon ay nakasuot ka ng kulay na pink habang siya naman ay nakasuot ng t-shirt or polo-shirt na kulay asul.
Huling payo at paalala:
Jasmine, ayon sa iyong kapalaran, matutupad na ang matagal mo ng kahilingan sa iyong buhay dahil sa taong ito ng 2016 ikaw ay lubhang papalarin, kung saan sa edad mong 27 pataas, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka na nang pangmatagalan hatid ng isang lalaking isinilang sa initial na J.R. at ang nasabing lalaki ang nakatakda mo ng mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending