Poe itinanggi ang tsismis na aatras na | Bandera

Poe itinanggi ang tsismis na aatras na

Leifbilly Begas |May 05,2016
facebook
share this

Poe itinanggi ang tsismis na aatras na

Leifbilly Begas - May 05, 2016 - 05:27 PM

grace poe
Itinanggi ni Sen. Grace Poe ang mga ipinakakalat na balita na aatras na ito sa presidential race.
Kasabay nito ay sinabi ni Poe na dapat magisip-isip ang publiko kung ang gusto nilang maging pangulo ay isang manhid, korupt o berdugo.
“Hindi naman yata tama na ang pagpipiilian lang ay isang palpak, walang pakiramdam na gobyerno, isang gobyerno na corrupt o na berdugo ang nagpapatakbo,” ani Poe na hindi direktang itinukoy ang mga kalaban na sina Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
“Sa mga iba dyan na nagsasabi na dapat ay pagbigyan na lang ang iba para dalawa na lang ang naglalaban, sino ba sila para magsabi kung sino ang pipiliin ng bayan?” ani Poe.
Kamakalawa ay sinabi ni Roxas na nakikita niya ang eleksyon sa Lunes bilang laban sa pagitan niya at ni Duterte. Sinabi ito ni Roxas matapos siyang pumangalawa sa isang survey.
“Hindi po tayo nakikipag-ayusan para mawala ng option ang ating mga kababayan… Hindi po ito isang transaksyon para ibenta ang mga pangarap ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Poe.
Umaasa si Poe na sa Lunes ay ang tamang kandidato ang kanilang ihalal upang pamunuan ang bayan.
“Kaya naman hinihiling ko sa inyong lahat na sana ang namumuno sa atin ang siyang magbibigay ng pag-asa at tamang ehemplo. Kaya mga kababayan, ngayon po kasama natin ang media, kung ano po ang inyong mga katanungan ay akin pong sasagutin para lamang kung ano man ang mga haka-haka at kuwento na lumalabas ngayon ay mas malinawan natin. Muli, maraming salamat po sa inyong oras ngayong hapon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending