Review: Kilig, tawa at iyak, pang-alis umay hatid ng 'Just the 3 of Us' | Bandera

Review: Kilig, tawa at iyak, pang-alis umay hatid ng ‘Just the 3 of Us’

Bella Cariaso |May 05,2016
facebook
share this

Review: Kilig, tawa at iyak, pang-alis umay hatid ng ‘Just the 3 of Us’

Bella Cariaso - May 05, 2016 - 01:02 PM

download (8)

GUSTO mo bang kiligin, sumakit ang tiyan sa kakatawa, umiyak pero maaliw?

Kung oo ang iyong sagot, bakit hindi mo subukang manood ng “Just the 3 of Us” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, na sinimulang ipalabas sa mga sinehan nitong Miyerkules.

Simple lamang ang plot ng pelikula pero sa pagganap ng dalawang pangunahing aktor, hindi mo iisipin na pelikula nga ito dahil natural na natural ang kanilang akting, lalo pa’t ang kanilang pagpapakwela at pagpapatawa.

Kwento ito ng isang one-night stand na sa kinalaunan ay nauwi sa seryosong relasyon matapos main-love sa isa’t isa ang pangunahing mga tauhan na sina CJ Manalo at Uno Abusado.

 

 

imagesBagamat R-13 ang rating ng pelikula, tamang-tama lang ito para sa mga bagets na may edad 13 pataas; kayang sakyan at unawain.

Hindi nakapagtataka na kikita pa rin ang pelikula kahit hindi GP o general patronage ito dahil sa magandang kwento, magaling na pagganap.  Ibig sabihin magandang pelikula.

Ito ang unang pagkakataon na makapareha ni John Lloyd si Jennylyn na kinilala na rin sa husay sa pagganap sa mga nakaraan niyang pelikula.  Una nila itong pelikula na romcom o romantic comedy pero may tamang chemistry.  Nakuha ng direktor na Cathy Molina ang timpla ng dalawa para makabuo ng isang mahusay na pelikula.

Umpisa pa lamang ng pelikula ay sasakit na ang tiyan nyo sa kakatawa sa mga pakwela ni Jennalyn at bagamat kilala sa drama si John Lloyd, natural na natural din ang kanyang pagpapatawa.

Siyempre, hindi rin kayo makakaligtas sa paghagulgol sakaling napakagaan ng inyong luha dahil paiiyakin kayo kapwa ni John Lloyd at Jennalyn.

Hindi boring dahil mabilis ang pacing ng movie at hindi mo mamamalayan na patapos na pala  ito.

Dahil first opening day nang nanood kami, halatang relax na relax ang mga nanood pagkatapos ng pelikula dahil talagang kahit pa inilabas na ang mga credits, hinintay pa talaga kung may susunod pa na mga eksena.

Kung umay ka na sa politika at bangayan ng mga politiko dahil sa eleksiyon, tamang-tama ang pelikula para pampa-good vibes.

Pagkatapos na mapanood ang pelikula, tiyak kong happy mood ang lahat paglabas at maiin-love ka pa kay John Lloyd.

Hahakot kaya muli ng award si Jennalyn at maging si John Lloyd dahil sa kanilang pag-arte?  Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa iskor na 1 hanggang 10, bibigyan ko ang pelikula nina John Lloyd at Jennalyn ng perfect 10!

Nood na para malaman kung agree nga kayo sa sinasabi ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending