Dominic enjoy na enjoy bilang Super D | Bandera

Dominic enjoy na enjoy bilang Super D

Ervin Santiago |May 05,2016
facebook
share this

Dominic enjoy na enjoy bilang Super D

Ervin Santiago - May 05, 2016 - 02:00 AM

dominic ochoa

NATUPAD na ang matagal nang pinapangarap ni Dodong (Dominic Ochoa) na maging isang superhero sa kanyang pagta-transform bilang ang tagapagtanggol na si Super D sa tulong ng mahiwagang asul na diyamante sa Kapamilya primetime series na My Super D.

Upang mailigtas ang anak na si Dennis (Marco Masa) mula sa kidnappers, humingi ng tulong si Dodong mula kay Pablo (Nonie Buencamino), ang kaibigan ng yumaong superhero na si Super D (Richard Yap) para hanapin ang asul na diyamante.

At sa tulong nito, nagpalit na nga ng anyo si Dodong bilang si Super D at buong tapang na iniligtas ang kanyang anak mula sa kidnappers gamit ang kanyang super powers. Tuluyan na kayang tanggapin ni Dodong ang responsibildad ng pagiging superhero? Umpisa na kaya ito ng kanyang paglaban sa kasamaan?

Samantala, mas magiging maaksyon at kapanapanabik ang panonood ng ABS-CBN TVplus subscribers dahil matutunghayan na ang super marathon ng My Super D tuwing Sabado sa “Yey!” Sama-samang panoorin si Dodong sa kanyang adventures bilang si Super D nang walang commercial breaks simula ngayong May 7, 6 p.m..

Huwag palampasin ang kwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaring maging superhero, ang My Super D, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending